Pagkatapos naming kumain ay tinawagan ko na si Eldrian dahil sabi niya ihahatid daw niya kami sa terminal. Ibinaba ko na rin ang aking mga gamit mula sa kwarto ko at meron akong tatlong bag ng mga damit ko at isang bag ng mga gamit ko. Mga importanteng dokumento ay nandoon kay Mama, pagkatapos kong asikasuhin ang mga gamit ko saka ko naman inilabas ang mga bag ng kapatid ko. Inilibot ko amg paningin ko sa buong bahay at walang laman ito napakalungkot. Kung gaano kami kalungkot ganon din ang bahay namin. Aalis na kami dito, iiwan na namin ang mga masasayang ala-ala ng nakaraan. Marami ang nangyari sa loob ng bahay na ito, may mga iyakan, kulitan, bangayan at sigawan at higit sa lahat tawanan. Napakasakit isipin na ang mga iyon ay isang ala-ala na lang at hindi na maibabalik pa. Halos

