Hapon na ng tumigil ang sinasakyan naming bus sa isang terminal, maliit lang ang terminal nila dito at bukid talaga pala dito. Bumaba kami at buhat-buhat ko ang mga bag namin at sobrang dami. Nagpatulong din kami sa kundoktor na ilagay sa gilid at maghahanap pa kami ng masakyan namin papunta sa baryo. At nakahanap si Mama ng masasakyang motorsiklo at agad na kinarga ang mga gamit namin at agad na bumyahe ulit. Marami naman palang establishaminto dito na pwedeng pagtrabahuan, tsaka kitang-kita ko ang mga matataas na bundok at ang ganda ng hangin dito. Sariwa at malapad ang kalsada hindi katulad ng sa syudad na maliit lang tapos trapik pa. Habang nasa byahe ay hindi pa rin ako makapaniwala na nasa ibang lugar na ako, sa ibang pamilya na kami titira. Panibagong bahay, panibagong buhay a

