Hindi ko akalain na magiging maganda ang pakiramdam ko nang nagkaayos na kami nila mommy. Somehow, I felt happy that we're starting to build our relationship with each other. Ngaun, damang dama ko na kung paano maging totoong Devone Bree Vera Cruz, dela Fuente. Yung pagmamahal ng isang Atasha dela Fuente at Luther dela Fuente. Yung pagiging ate sa kaisa isa kong kapatid na si Kaio dela Fuente. Nawala man yung bagay na pinaghirapan ni lolo John. Alam kong masaya siya na makita na masaya at sama sama yung pamilya na pilit niyang binubuo noon. "Happy birthday to you.. Happy birthday to you..." dahan dahan kong dinalat ang mga mata ko ng makarinig ng ingay. Malaking ngiti ni daddy ang sumalubong sa akin habang busangot si Kaio na nakatayo sa gilid. Mukhang hinila siya mula sa kama para pumun

