24. #TheNIghtThatWillChangeEverything Mabilis na lumipas ang isang buong araw. Sumapit na ang gabing babago sa kanilang mga buhay. “Tasya, hintayin mo lang kami ni Miah dun sa b****a ng daan palabas sa bayang ito. Pangako, ililigtas ko siya.” Bulong ni Joven bago ito umalis. Kinakabahan na si Tasya sa mapusok nitong mga binabalak. Pag-alis ng kaibigang bampira ay saka naman lumabas sina Jelan at Eva. Naisiwalat na rin nila kay Eva ang planong pagligtas ni Joven kay Miah ng mag-isa. “Ano ba talagang problema nun ah? Akala niya ba maliligtas niya ng mag-isa ang kaibigan mong mortal? Mga bampira at Exist ang makakaharap niya dun. Mga masasamang bampira at Exist! Hindi siya sasantuhin ng mga iyon! Para siyang isang daga na kusang nagpahuli sa isang gutom na pusa.” agad na bulalas ni Eva na

