Nanlambot ang mga tuhod ni Jacob nang makita si Abby na hawak ang cellphone nito habang pinaparinig ang bawat ungol na kumakawala sa labi niya. Para bang pinagbagsakan agad siya ng langit at lupa dahil dito. Kitang-kita niya rin ang nag-aapoy na mga mata ni Abby habang ipinapakita at ipinaparinig iyon sa kanya. "Abby. . ." sambit niya sa pangalan ng asawa habang sunod-sunod na ang pagragasa ng kanyang mga luha. "M-magpapaliwanag ako!" nauutal-utal niya nang wika. "Ano pa ang ipapaliwanag mo rito, Jacob, ha? Ano pa!" galit na galit na singhal ni Abby. Wala na ring luha na tumutulo sa mga mata nito. Para bang binalot na iyon ng matindi niyang galit. Natulala na rin si Concepcion sa nakikita. Para bang napipi na rin siya at hindi na rin alam ang gagawin. "Pakinggan mo muna ako, Abby! H-hi

