Kapwa nagmadaling bumaba habang natataranta pa sina Jake at Jacob ng sasakyan matapos nilang marating ang tinutuluyang apartment ni Abby. Bakas na bakas na sa kanilang mga mukha ang pangamba sa maaari nilang datnan. Dumadaloy na rin ang takot sa buong sistema ni Jacob dahil sa pag-aalala sa asawa. Iniisip niya kasi ang nangyari sa kanilang dalawa ng kaibigan. Natatakot rin siya sa punto na baka sinamantala ang pagkawala nila ng mga kalaban para gawan ng masama si Abby. "Pre, puntahan mo na si Abby. Titingnan ko lang ang paligid kung may kakaiba. Mag-iingat ka rin," utos ni Jake. "Sige, salamat," tugon naman Jacob at hinugot ang baril sa tagiliran. Pagkatapos ay maingat na siyang pumasok sa loob. Pinatalas niya rin ang paningin pati na ang pandinig habang naglalakad na papasok sa apart

