Hindi muna tumuloy sina Abby at Alejandro sa biyahe ng mga oras na iyon. Nanatili muna sila sa lugar kung saan sila tumigil at naghanap ng pwesto na maaari nilang pagpahingahan sa gilid ng dagat. Sakto naman na may daan pababa mula sa gilid ng highway at kasya naman ang kanilang sasakyan. Kaya wala na silang oras pa na inaksaya dahil ilang minuto na lang ay madilim na. Nag-aalala si Alejandro na baka hindi kayanin ni Abby ang magmaneho sa gabi lalo na't may dinaramdam ito. Mula kasi ng umalis sila ay tila wala ito sa sarili habang nagmamaneho. At kitang-kita niya iyon mula sa kanyang side mirror. Kaya wala na siyang ginawa sa buong biyahe kundi ang alalayan ito. Nang makarating na sila sa dalampasigan ay madilim na. Kaya hinayaan na lang nilang bukas ang ilaw ng kani-kanilang mga sasak
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


