Hiniling ni Abby kay Doktor Cuevas na manatili muna sa lugar kung saan sila huminto. Pakiramdam niya kasi ay tila napakagandang musika sa pandinig niya ang maingay na alon na humahampas sa dalampasigan habang pinapanood niya ito. Nanunuot din sa buong kalamnan niya ang mainit na singaw mula sa dagat. Na para bang niyayakap siya nito at inaalo. Kaya naman ay parang nababawasan ang paninigas na nararamdaman niya mula sa sakit at pagkabigo. "Kaya pala parang inaakit niya ako kanina dahil gusto niya rin akong damayan," tila wala sa sariling usal ni Abby habang pinapanood pa rin ang malawak na karagatan. "Marahil ay naramdaman niya ang bigat ng iyong dinadala kaya naman ay tinawag ka niya," sagot naman ni Doktor Cuevas habang nakapako na rin ang tingin sa pinapanood ni Abby. "Lahat daw kas

