"Oy, teka, Abby!" Halos magkumahog na kahahabol si Dr. Cuevas kay Abby habang pasuray-suray itong naglalakad sa kalsada. "Sabi mo kasi konti lang ang iinumin mo, bakit napasobra?" Nagsisisigaw pa ito habang umaagos ang mga luha mula sa mga mata nito. "H-hayop ka, Jacob! K-kala mo kung sino ka!" asik nito habang pasuray-suray sa daan. May bitbit pa itong isang bote ng korean drinks habang panay pa ang lagok. "I-ikaw na nga itong nanakit tapos ikaw pa ang matapang!" dagdag pa nito. Halos magkanda tumba-tumba na rin ito dahil sa kalasingan. Kaya naman ay napapakamot na lang sa ulo si Dr. Cuevas habang nakaantabay rito. Pero naiintindihan niya ang nararamdaman ni Abby kaya naman ay hinahayaan niya lamang ito. Ramdam na ramdam niya rin ang sakit na pumapaloob rito dahil sa mabibigat nitong m

