"Kung gano'n Mr. Chui, may mga ilang bagay akong itatanong sa 'yo," seryosong wika ni Abby. "Sino ang pumatay sa biktima kahapon?" "A-ano?" Nagulat si Mr. Chui sa tanong ni Abby. "Sagutin n'yo ang tanong ko, Mr. Chui!" gigil na usal ni Abby sa kausap. Bakas na rin ang galit mula sa kanyang mga mata dahil sa ginawa ng kliyente. Ngumiti ng mapait si Zion Chui at sinapo ng palad ang noo. Bakas rin sa mukha nito ang tila nakakainsultong pang mga tingin. "Paano kung ayaw kong sagutin ang tanong mo, Attorney?" sagot naman nito na may pang-uuyam at ibinagsak ang dalawang palad sa lamesa Abby sabay titig ng nakakainsulto. Lalong tumindi ang galit at pagkamuhi ni Abby sa kliyente niya. Pakiramdam niya ay mas masahol pa ito sa demonyo. Kaya naikuyom niya ang isang kamao na nakapatong sa lames

