Sari-saring emosyon ang nararamdaman ni Abby dahil sa mga nangyayari. At hindi siya makatulog ng maayos dahil dito. Hindi rin umuwi si Jacob kaya wala man lang siyang mapagsabihan ng mga bagay na bumabagabag sa kanya. Hindi rin mawala sa isip niya ang video na napanood niya kaya pakiramdam niya ay mababaliw na siya. Pakiramdam niya rin ay nag-iisa na lamang siya sa mundo at wala man lang makapitan. Tanging pagluha na lamang ang nagagawa niya para kahit papaano ay maibsan ang bigat sa dibdib. Kaya naman ay madaling araw pa lang, nagkulong na siya sa banyo. Gusto niyang maramdaman ang malamig na tubig na pumapatak sa hubad niyang katawan para mahimasmasan sa mga iniisip. Doon niya rin binuhos ang mga luha habang nakaupo na dapat sana ay sa mga bisig ng asawa. Pinagsalikop niya rin ang m

