Hinawakan ni Concepcion si Jacob sa balikat para kahit papaano ay mapakalma. Napahiya kasi siya sa ginawa ng pinsan nito. "Tara, mukhang marami-raming bote ang mauubos natin nito," wika ni Concepcion. Bumuntonghinga si Jacob. Mukhang iyon nga ang kailangan niya sa ngayon dahil sa mga nangyari. Kasama naman ni Nica si Abby kaya hindi na siya mag-aalala pa para sa asawa. Total ay hindi niya pa naman kayang harapin ng maayos ang asawa dahil sa mga nangyari sa kanila nitong mga nakaraan. Kaya nang matapos ang duty nila ay pumunta sila sa pinakamalapit na bar sa presinto. Doon sa pinuntahan ni Jacob nung nakaraan. "Kaya pala sikat ngayon ang lugar na 'to dahil maraming mga magaganda babae," wika ni Concepcion habang nakaupo na sila sa isang sulok at naghihintay ng order na alak. "Bagong bu

