"Welcome back, SPO2 Jacob Bustamante!" bati ng mga kasamahan ni Jacob nang makabalik na siya sa trabaho. Maging si Col Garcia ay natuwa rin sa pagbabalik niya. "Maraming salamat sa inyo, mga Sir!" sagot naman ni Jacob na bakas ang ngiti sa mga labi. "Bueno. Dahil kumpleto na kayo ngayon, gusto ko kayong batiin sa pagiging matagumpay ng misyon n'yo. Lalong-lalo ka na, Jacob," turan ni Col Garcia sa lahat na sumabak sa misyon at kay Jacob. "Nakakalungkot lang dahil may mga kasamahan tayong binawian ng buhay dahil sa misyon na iyon. Ngunit gayunpaman ay hindi naman nasayang ang mga buhay na inalay nila para sa ating bansa." "At sa lahat ng kapatid, kapamilya, mga asawa, anak, ipaaabot natin ang pakikiramay natin sa kanila. At sama-sama ulit tayong babangon para sa pinakamamahal nating bans

