Wala nang mas sasakit pa dahil sa ginawa ni Jacob kay Abby. Pakiramdam ni Abby ay sinakop na nito ang buo niyang pagkatao. Sagad na sagad hanggang buto. Para bang tinadtad siya ng pinong-pino na hindi na magagawang mabuo pa. Hindi niya sukat akalain na hahantong ang asawa sa sukdulan na kahit sa panaginip ay hindi niya nakita. "Napakahayop talaga ni Jacob! Paano niya nagawang magdala ng babae rito sa pamamahay niyo? At hindi pa siya nakuntento, sinaktan ka pa niya!" galit na galit na asik ni Nica habang pinapahiran ng yelo ang namamagang pisngi ni Abby. Matapos kasi ang nangyari ay tinawagan siya ni Jacob para samahan si Abby. "Kung naabutan ko lang siya rito ay mapapatay ko talaga siya!" dagdag pang turan ni Nica habang natataranta pa sa ginagawa. Nag-kulay ube na kasi ang kanang pisngi

