Lumipas ang ilang linggong pagpapalamig ni Jacob matapos ang nangyari sa kanila ni Abby ay nagkaroon na siya ng lakas ng loob para harapin ang asawa. Inaabangan niya si Abby sa labas ng building para kausapin at humingi ng tawad. Ngunit nang bababa na siya ng sasakyan ay nakita niya si Doktor Cuevas na papasok sa building habang may dalang brown envelope. "Ano'ng ginawa niya rito?" tanong niya sa sarili at napahigpit ang dalawang kamay sa pagkakahawak sa manibela ng sasakyan. At sa hindi niya maipaliwanag ay tila nakaramdam siya ng kakaibang galit sa lalaki. "Kailan pa sila naging close ni Abby para puntahan niya ito sa opisina niya?" tiim-bagang niya pang usal. Ilang saglit pa ang lumipas ay nakita niya na ang dalawa na magkasama na palabas ng building. Bitbit na ng asawa ang envelope

