MAY POV Lumingon sila sa akin pero si Ate Merry na ang mismong nag introduce sa akin sa kanila. Feeling ko nga ay kilala nila ako pero para maayos ay maganda na rin ang ganto. "Everyone, I would like to introduce-" 'Di pa nga natatapos ang pag e English ni Ate Merryl ay natawa na ang isa nyang kasama sa kanya. Natawa rin ako pero hindi ko alam kung bakit sya natawa. "Wow, pa English English ka pa, Merryl! Nagiging Madam na ba ang level mo?" sabi ng babaeng humahagakhak ng pigil. "Duh! Ganto kaya kaya Englishera ang amo!? Halos lahat ng senyora sa akin, puro English ang instruction. Like for example, sasabihin niya, can you hold this one for a while? Can you mop this floor? Can you buy me avocado? Make sure you wear gloves when you are slicing my favorite apple! Can you get my jewelr

