MAY POV Matapos kung sumuka ay bigla namang pumasok si Manang Melissa sa loob. "Oh anong nangyari sayo jan enday? Bakit biglang sumama ang t'yan mo? Ano ang kinain mo kagabi?" "Manang, sabi nya 'di raw sya sanay sa pagkain dito sa mansyon kaya sumakit ang t'yan nya." Di ko alam kung matatawa ba ako sa sinasabe ni ate Merryl. Siguro ay ganto lang talaga s'ya mag joke. Pero kahit na pang mayaman ang mga pagkain dito sa mansyon ay masasarap naman. Sabagay, ang dami ko ring kinain kagabi na mga pagkain kaya siguro naging ganto ang epekto. "Pasensya po ha? Aakyat muna ako sandali," pag papa alam ko kay ate Merry. "Oh sige! Balik ka rito ha? Pag hahainan kita ng pagkain pag baba mo. May iba ka pa bang gusto? Basta ang okay lang sayo ha?" "Ay kahit ano po, basta mas alam nyo po ang bawal

