Date. Date. Date. Paulit-ulit na lumulutang iyon sa kanyang isip. Ang hirap paniwalaan na napapayag siya sa gusto ni Kuya Baxter. Kapag nalaman ito ni Nanay Eve, tiyak, kurot ang aabutin niya. Pero pretend lang naman, ibig sabihin, hindi totohanan. Napanguso siya sa harap ng salamin at iginala ang tingin sa kanyang kabuuan. Kahit pa kasi lagyan niya ng ipit ang buhok, o talian ng magandang laso, hindi mawawala ang katotohanan na nakauniporme siya. High schooler. Malayo kung itapat sa mamang-mama nang si Kuya Baxter. Napangiwi siya. Madalas sabihin ng nanay niya, dapat i-enjoy muna ang kabataan dahil ‘yon ang hindi nito nagawa, pero sa inaasal niya ngayon, sa takbo ng pag-iisip niya, parang minamadali niya ang pagtanda. Inalis niya ang titig sa salamin. Binuksan niya ang pinto ng dressi

