“Let’s get you home, Nina.” And just like that, the magic was gone. Nawala sa isang pitik lang ng mga daliri. Para siyang nagising mula sa malalim na paghimbing na napadilat siya. Ang alikabok sa paligid at init na tumatama sa kanyang balat, patunay lang na namulat na ang diwa niya mula sa pantasya. Nakakahiya man pero kailangan niyang umaktong walang anuman sa kanya ang nangyayari. Lumayo siya rito. “Sorry, Kuya, natuwa lang talaga ako.” Half truth; half lie. Well, at least, nagawa niya nang tama. Nakaya niyang pintahan ng ngiti ang kanyang mukha kahit na ang totoo ay sobrang nakakahiya. “It’s okay, Nina.” Pero parang mukhang hindi naman ito okay. Panay ang paggalaw ng jawline nito, parang nanunuyot ang lalamunan na napapalunok. At nang suriin niya pa ang mukha nito, para itong may

