Ang unang beses ay nasundan pa. Nagkaroon sila ng pattern ni Kuya Baxter. On the dot, minsan ay mas maaga pa na nasa tagpuan na nila ang binata. Gaya ng pinangako nito, walang liban, araw-araw kung sunduin siya. Noong una ay naasiwa pa siya. Pero sa paglipas ng mga araw ay naging komportable siya. Kapag nalalapit na ang oras ng uwian, madalas siyang napapasilip sa labas at kapah hudyat na ng uwian, isa siya sa mga nagkukumahog na makalabas. Si Caloy, madalang na lang niyang nakakausap. Kapag nagkasama na sila ni Kuya Baxter, puro ngitian at kwentuhan sila. Malaki man ang agwat ng edad nito sa kanya, pakiramdam niya, nakatagpo siya ng kaibigan at…kuya. Napabuntung-hininga siya. Lately, para bang naiilang na siya na tawagin itong kuya. Ewan. Basta. Nagsisi tuloy siya kung bakit inayawan

