TATLONG beses na kumatok si Maybel sa labas ng pinto ng opisina ni Azmon pagkatapos ay pinihit niya ang doorknob at itinulak iyon upang bumukas. “Az,” tawag niya sa binata nang sumilip siya sa siwang ng pinto. Pero hindi naman niya nakita roon ang lalaki. May ibibigay lang naman siyang papeles dito na ipinakisuyo sa kaniya ni Hunter... naglakad na rin siya papasok sa loob upang iwanan na lamang iyon sa ibabaw ng lamesa nito. Nang makalapit na siya roon, pagkalapag niya sa bitbit na folder ay naagaw naman bigla ang kaniyang atensyon doon sa maliit na picture frame na nasa gilid ng lamesa. Kunot ang noo at wala sa sariling kinuha niya iyon upang matitigan niya ng maigi ang larawan. Si Azmon iyon at may kasamang babae. Parehong may malapad na ngiti sa mga labi ang dalawa. At kung tama ang t

