Malalaki ang mga hakbang ni Mirkov habang pabalik sa Great Hall. Nanginginig ang kaniyang kamao at walang kangiti-ngiti ang kaniyang labi. Unti-unti nang nagsisialisan ang mga tao sa katatapos lamang na selebrasyon. Ang mga natira na lamang ay ilan sa mga journalist. "Have you seen Nairam---" Sasalabungin sana siya ni Creig nang lagpasan niya ito. Nag-iigting ang kaniyang panga sa galit, at ang mga mata niya ay nakapokus sa lalaking nasa gitna ng event hall na iyon at nakikipagtawanan pa sa mga natitirang bisita. This bullshit! That f*****g laugh makes his blood boil. Nang makalapit siya rito ay walang sabi-sabi niyang ginawaran ng malakas na suntok ang mukha nito. Napaatras ito, napahawak sa nasaktang pisngi dahil sa pagkabigla. Hindi pa siya nakuntento, inundayan pa niya uli niya ito

