Chapter 15
Hindi pa man tumatagal ang halik ay siya na ang kusang pumutol no'n. Bahagya niya akong inilayo sa kanya. "Ella, are you sure about this?" tanong niya na natatawa.
Bigla akong pinaulanan ng hiya. "I'm sorry."
Buti nalang talaga at pinutol niya 'yon, dahil kung hindi, baka hindi ko na alam ang nagawa ko. Baka nawala na ako sa katinuan. Naiintindihan ko ang concern niya kaya pasalamat ko na siya na mismo ang kusang pumutol no'n.
"Let's sleep," aniya at hinalikan ako sa noo. Iginiya na niya ako pahiga sa kama namin. Naglagay pa siya ng unan sa gitna namin dahil baka raw hindi ako sanay na may katabi. Malaki naman ang kama niya kaya ayos lang din kung may harang. Makakagalaw pa rin kami.
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa pagyugyog ni Creed. Inis akong nagmulat ng mata at tinignan siya ng masama. "What is your problem?"
Mukhang nagulat pa siya dahil kagigising ko lang at 'yon kaagad ang inasta ko. Tsk kasalanan niya! Sinira niya ang beauty sleep ko!
"Aalis ako," sabi niya, hindi ako matignan. Tss ang lakas ng loob na hindi ako tignan e kung makagising naman wagas!
Ginulo ko ang sariling buhok. Ginising niya ako para lang doon? Buti sana kung mabilis pa akong makakatulog, kaso hindi e, kapag nagising ako, nahihirapan na akong matulog ulit kahit pa sobrang antok ako!
"Sana nagtext ka nalang," sabi ko at iritadong pumunta ng banyo para magtooth brush at maghilamos. Nalingunan ko na naman siya roon sa may pintuan.
"Tsk, mas okay na 'yong ipinaalam ko sa 'yo sa personal," sabi pa niya, ang paningin ay nanatili sa akin.
Akala ko ba aalis 'to? Bakit nagagawa pa akong panoorin na gawin ang morning rituals ko? Hindi ba siya nagmamadali? Himalang may oras pa siya na panoorin ako sa aking ginagawa.
Nilingon ko siya, tinanggal ko muna ang toothbrush sa bibig ko. "Really?"
"Yes really, hindi ba't mas okay kapag gano'n?" tanong niya habang tinataas baba ang kanyang parehong kilay.
Hindi ako sumagot at tinapos nalang ang pagsesepilyo. Binasa ko ang aking mukha at nagpahid ng facial wash doon.
Natigil lang ako sa pagsasabon ng mukha nang makita ko siyang titig na titig sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay mula sa salamin. Para naman siyang natauhan at biglang nag-iwas ng tingin.
Problema na naman niya? Titingin-tingin tapos kapag nahuli ko ay bigla na namang iiwas? Minsan, ang weird niya rin talaga e.
"Akala ko ba aalis ka?" tanong ko at nagsimula ng magbanlaw ng mukha.
"Maya maya na lang pala," sagot niya. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakaiwas na naman siya ng tingin. Problema niya ba?
Nagpunas ako ng mukha at lumabas ng banyo. Pumunta ako sa gilid ng kama at inayos ang unan at kumot na ginamit naming dalawa.
"Unti-unti na 'kong nasasanay," bigla niyang sinabi.
Pinagsasasabi niya? Saan siya unti-unting nasasanay? Napakagulo naman.
Kunot-noo ko siyang nilingon matapos ayusin ang kumot. "Saan?"
Ngumiti siya at nag-iwas na naman ng tingin. "Wala."
"Ano nga?" tanong ko at pinagkrus pa ang parehong braso.
Nakangiti niya akong sinalubong ng tingin. "Na nakikita ka sa araw araw."
Nagulat ako sa sinabi niya kaya ako naman ang nag-iwas ng tingin. Nakagat ko ang ibabang labi para pigilang ngumiti at laking pasalamat ko dahil nagtagumpay ako roon.
So iyon pala 'yon? Unti-unti na siyang nasasanay na nakikita ako sa araw? Well, kahit ako rin naman e. Sa ilang linggo o buwan na magkasama kami, nasanay na rin ako na lagi siyang nakikita at nakakasama.
"Ang dami mong alam," kunwaring sabi ko at nauna nang lumabas ng kwarto.
Pumunta ako sa dining at naabutan kong may nakahanda ng agahan sa lamesa. Paniguradong siya na naman ang naghanda nito. Kung ganito ba naman ng ganito ang gising ko sa umaga ay talagang maganda tiyak ang simula ng araw ko. Masaya pala siya maging asawa 'no? May taga-handa ako ng almusal.
"You liked it?" tanong niya na ikinagulat ko, naroon siya sa gilid ko.
Agad ko siyang nilingon, halos maduling pa ako dahil sa sobrang lapit niya sa akin.
Bahagya ko siyang tinulak at kumuha na ng french toast sa pinggan. "Akala ko ba aalis kana?" tanong ko. Mauupo na sana ako pero sinenyasan niya akong huwag muna dahil ipaghihila niya raw ako ng upuan.
Sana all gentleman!
"Bakit ba kating-kati ka na paalisin ako?" tanong niya, ang inis ay nandoon na.
Ano bang kinaiinis niya? Nagtatanong lang naman ako ah. Wala naman akong ibang pakahulugan doon.
"Hindi naman sa kating-kati akong paalisin ka," sabi ko at inubos ang french toast na kinakain. "Baka kasi mahalaga 'yong pupuntahan mo, baka malate ka."
"Ah, nagpapatulong kasi sina Mommy," sabi niya at iniabot sa akin ang tasa na naglalaman ng gatas.
Tumaas ang isa kong kilay nang malasahan ang gatas. Paano niya kaya nalaman na gatas ang iniinom ko sa umaga? Nagtanong ba siya sa mga kapatid ko? O kaya'y kay Manang Susan?
"Saan?" tanong ko.
Napakamot siya sa kanyang batok saka alanganing ngumiti. "Ipapaayos nila 'yong bahay kaya roon muna sila kina Kuya Tusher titira pansamantala."
Oh sasama kaya si Creed sa kanila? Kung ganoon ay mas madalas pa silang magkikita ni Lauri?
"Oh bakit hindi mo pa sila puntahan?"
"Mamaya na, they can wait," sabi pa niya at naupo na sa harapan ko.
"Don't make them wait, magulang mo sila," sabi ko at pinandilatan siya.
Hindi naman kasi tama na paghintayin niya ang parents niya. Nakakahiya 'yon. Baka mamaya'y kanina pa siya hinihintay ng mga ito pero heto siya at hindi pa umaalis.
Sumandal siya sa sandalan ng upuan at iritadong tumingin sa akin. "Ang sabihin mo, gusto mo lang akong paalisin."
Aba, iyon pala ang dating sa kanya no'n? Na gusto ko na siyang paalisin? Kakaiba rin pala siya magisip kung ganoon?
Inosente ko siyang tinignan. "Excuse me? Sinabi ko na nga ang dahilan 'di ba? Hindi pa ba malinaw sa 'yo?"
Hindi siya sumagot at bumuntong hininga nalang sa kung saan. Imbes na magsungit ay unti-unti akong ngumiti. Napakacute niya palang mainis!
Nang maramdaman ang titig ko ay kunot-noo niya akong tinignan. "Why are you smiling?"
"Ang cute mo pala mainis?" panunukso ko habang nakangiti.
"Tss, gwapo ako at hindi cute," pagtatama niya.
Natawa ako at hindi napigilang kurutin siya sa pisngi. "Grabe ang yabang!"
Nakangiwi siyang lumayo para hindi ko na maabot pa ang kanyang pisngi at makurot. "Hindi ako nagpapakurot."
"Pero nakurot kita," natatawa kong tugon.
Padabog siyang tumayo. "Aalis na ako," sabi niya na hindi manlang ako tinapunan ng tingin.
Tumango ako at ngumiti. "Sige ingat..."
Sinundan ko siya hanggang sa may pintuan. Nang tuluyang makalabas ay bigla niya akong nilingon.
"Ano 'yon?" tanong ko kaagad.
"What do you want for lunch?"
Bakit siya nagtatanong? Bibilhan niya ba ako kapag sinabi ko kung anong gusto ko?
Bumungisngis ako. "Bibilhan mo 'ko?"
Tumango siya at inilabas sa bulsa ang susi ng kanyang kotse. Pinaglaruan niya 'yon sa kanyang kamay habang nakatingin sa akin.
"Huwag kana munang umuwi," sabi ko na siyang nagpakunot na naman sa kanyang noo.
"What the f**k Ella?" asik niya. "Kanina ay pilit mo akong pinaaalis, ngayon naman ay ayaw mo na akong pauwiin."
Iba na naman siguro ang naisip niya. Hay nako Creed.
Natawa ako sa inasta niya. "What I mean is, spend some time with your parents, eat lunch with them."
"How about you?"
"I can manage naman."
"You sure about that?" paniniguro niya.
Nakangiti ko siyang tinanguan. "Oo naman, sige na umalis kana," sabi ko at bahagya pa siyang itinulak.
Nang makaalis si Creed ay naisipan kong linisin ang kanyang condo. Nagpalit ako ng kurtina at mga sapin. Nagvacuum na rin ako. Inayos ko ang iilang paintings sa sala at sa kwarto namin.
Naisipan ko na ring labhan ang mga damit namin kahit na iilan pa lamang 'yon. Matapos 'yon ay nagluto ako ng tanghalian ko.
Habang kumakain ay napaisip ako kung ano pang pwede kong gawin sa araw na 'to. Ayoko naman na kasing magshopping, nagtitipid ako kahit papaano lalo na at wala akong trabaho rito, isa pa ayoko namang manghingi sa mga kapatid ko o miski kay Creed, nakakahiya 'yon. Tama na siguro iyong nagshopping ako noong nakaraan.
Nagpahinga lang ako saglit at naisipang bumaba para magswimming. Kakaunti lang ang tao sa pool dahil hapon na.
Ilang oras din akong namalagi roon at lumangoy. Nang mapagod ay naisipan ko nang bumalik sa itaas. Nagulat pa ako nang maabutan si Creed na nakaupo sa sofa. Nang maramdaman ang pagpasok ko ay kaagad siyang lumingon sa gawi ko.
Kaagad na nagtama ang mga mata namin. "Saan ka galing?" tanong niya at sinuyod ng tingin ang kabuuan ko.
"Nagswimming ako sa ibaba," sabi ko at inayos ang pagkakatali ng roba na suot ko.
"Why didn't you tell me?" masungit niyang tanong.
Ayan na naman siya! Nagsisimula na namang magsungit.
"E, magsiswimming lang naman ako," depensa ko kaagad.
Hindi ko naman na siguro kailangan pang sabihin iyon sa kanya? Saka dyan lang naman ako sa ibaba nagpunta, hindi ako lumayo.
Tumayo siya at lumapit sa akin. "Kahit na, dapat sinabihan mo pa rin ako."
"Sige, sa susunod," sabi ko. Hindi siya sumagot at basta nalang akong binuhat. Iyong parang pangkasal. "Ahh!" tili ko pero hindi manlang siya kumibo at nagdire-diretso lang sa paglakad. Ipinasok niya ako sa banyo. Siya na rin ang nagtanggal ng roba ko. Nagulat ako roon!
"Maligo kana," aniya na hindi manlang makatingin sa akin at lumabas na.
Naiiling kong sinulyapan ang pintong nilabasan niya bago naligo. "Kakaiba ang topak niya ngayong araw," bulong ko saka binuksan ang shower.
Paglabas ko galing banyo ay wala na siya. Saan na naman pumunta 'yon?
"Looking for me?" Napahawak ako sa dibdib ko matapos marinig ang boses niya. Nakakagulat naman!
"Bakit naman kita hahanapin?" tanong ko rin, nakangisi.
Ngumiti siya at dinilaan ang kanyang ibabang labi. "I don't know, bakit nga ba?"
Pairap kong inalis ang tingin sa kanya saka tinuyo ang sariling buhok gamit ang twalya. Pumwesto ako sa harap ng salamin.
"Galing ako kina Lauri," sabi niya at naupo sa paanan ng kama.
Tss Lauri na naman?
"Oo nga nasabi mo kanina."
"Nagyayaya silang magbakasyon."
Bakasyon? Marami kaya sila? Saka saan naman? Parang biglaan naman ata sila kung magyaya.
Sandali kong itinigil ang pagtutuyo sa aking buhok at nilingon siya. "Saan daw?"
"Boracay," maagap niyang sagot.
"Ikaw nalang ang pumunta," sagot ko at kinuha ang suklay.
"You're not coming with me?"
Umiling ako. "No."
"Why?"
"Because I said so, and because I want to rest, ayokong umalis."
"Come with me," malambing niyang tugon..
My brow arched. "Why would I?"
"Because I said so," panggagaya niya sa sagot ko.
Nakabusangot ko siyang tinignan. "Gaya gaya ka? Wala kang originality?"
Natawa na naman siya. "Idol kita e."
"Idol mo mukha mo," asik ko at binato sa kanya ang twalya na ginamit ko.
Nasalo niya naman 'yon kaagad. "Napaka mo naman, matuto ka ngang magsampay ng tuwalya," naiiling niyang sinabi at pumunta ng banyo para doon ihanger ang towel na ginamit ko.
"Nga pala, nilinis ko ang condo mo, naglaba na rin ako," sabi ko habang panay ang suklay sa harap ng salamin.
"That's my wife," nagmamalaking aniya.
I made a face. "Ang epal mo 'no?"
"Kaisa-isang epal sa buhay mo," aniya, nang-aasar.
Hindi ko na siya sinagot pa at tinapos nalang ang ginagawa. Maya maya'y naghubad siya ng shirt at basta nalang 'yon inihagis sa akin na kaagad ko namang nasalo.
"Ilagay mo sa laundry basket 'yan!" may kalakasan kong sinabi saka ibinato sa kanya ang shirt niya.
Nasalo niya naman 'yon at parang bola na ishi-noot sa laundry basket naming dalawa.
"Ang saya palang maging kasal sa 'yo," aniya nang makapagpalit ng shirt.
"Akala mo lang 'yon, baka kapag tumagal tayo ay hindi kana umuwi rito sa inis sa akin."
Lumapit siya sa akin, dahilan para mapaharap ako sa kanya. Inilapit niya ng bahagya ang mukha niya. "Uuwi at uuwi ako sa 'yo kahit anong mangyari."
~to be continued~