Chapter 14
"Pakilagay nalang diyan ang mga damit ko," nakangising sabi ko, nang-aasar.
Dito na kasi ako pinatitira ni Creed sa condo niya para raw kapag naisipang pumunta dito ni Jaida ay hindi kami mabuking. Pero for the mean time lang naman ito, kapag wala na si Jaida ay babalik na ulit ako sa condo ni Kuya.
Inis niya akong tinignan. "Bakit ba kasi ako ang nagdadala ng mga gamit mo?"
Hindi ko siya sinagot at lihim na natawa dahil sa iritado niyang mukha.
"Talaga bang sa iisang kwarto tayo?" tanong ko habang inililibot ang tingin sa kabuuan ng kanyang silid.
Malaki naman ang kwarto na 'to at natulog na rin kami ng magkasama pero sana manlang ay may privacy pa rin diba?
"Oo," maagap niyang sagot.
Ngumiwi ako. "E, dalawa naman ang kwarto rito, bakit hindi nalang ako doon matulo—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang tumalim ang tingin niya.
Tsk para 'yon lang ganyan na agad siya magreact? Kakaiba talaga ang topak niya.
"You're so maingay!" inis niyang bulalas. Kaya hindi nalang ako nagsalita ulit.
Inayos ko na ang mga gamit ko, napakalaki ng kwarto niya, ngayon ko lang nalibot ang kabuuan nito, miski ang closet niya ay malaki rin! Sabagay, ano pa bang aasahan ko? Mayaman siya kaya hindi na kataka taka na ganito nalang kaganda ang tinutuluyan niya.
Napakarami niyang mga damit. May space pa kaya para sa akin?
"Creed," tawag ko sa kanya.
"Oh?" tanong nito mula sa labas.
"Paano ang mga damit ko?" tanong ko habang nakatingin sa mga damit ko na naroon sa maleta at bags.
"Hati tayo sa closet," sagot niya. Narito na pala siya sa tabi ko, hindi ko manlang napansin.
"Itabi mo ang sa 'yo, para 'yong natitirang space ay sa akin," suhestyon ko.
Tumango siya at agad na itinabi ang mga damit niyang nakahanger.
"Thank you," nakangiti kong sinabi at sinimulan ng ipaglalalagay ang damit ko sa closet niya.
Lumabas siya matapos 'yon. Nang matapos sa closet ay nagtungo naman ako sa bathroom. Namangha ako sa laki no'n. Pero ang mas nakaagaw ng atensyon ko ay ang mga gamit na naroon.
Lahat 'yon ay by pair. Kung may panglalaki, may pangbabae rin. Ang roba ay dalawa, kulay itim ang mga 'yon.
Ang mga essentials ay ganoon din. Parehas kaming mayroon. Ang iba pang mga gamit namin ay nakaayos sa isang lagayan dito sa loob. Sama sama ang briefs at boxers niya. Ganoon din ang bra and undies ko. Hindi naman halatang prepared siya sa paglipat ko 'no?
Sa sobrang curious ay binuksan ko ang lagayan na 'yon. Namura ko pa ang sarili dahil awtomatikong dumapo ang kamay ko sa mga briefs niya. Mariin akong pumikit saka 'yon mabilis na isinara.
Nang matapos ay nagdesisyon akong lumabas, ngunit wala naman siya roon, nasaan ang isang 'yon? Hindi manlang nagsabi na aalis siya.
Nanood nalang ako ng telebisyon dahil wala rin naman akong magawa dito. Maya maya'y biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Creed na may dalang mga paper bags, saan siya galing?
Nilingon ko siya. "Saan ka galing?" tanong ko.
Hindi niya ako sinagot at basta nalang inilapag ang dala dala niya sa harapan ko. Kinuha ko ang mga 'yon at binuksan, pagkain ang laman no'n!
"Binili mo 'to?" tanong ko sabay kagat sa pizza na kinuha ko roon sa dala niya.
His brows furrowed. "Ano sa tingin mo?" masungit niyang tanong.
Nagkibit balikat ako nang walang makuhang matinong sagot mula sa kanya, bakit ko nga ba siya kinakausap?
May side si Creed na ganito. Iyong sobrang sungit. Tipong hindi mo matantya ang ugali. Minsan naman ay napakasweet at clingy. Pero he's not very vocal when it comes to some things.
Mas gusto niyang ipinararamdam kaysa sinasabi. Mas okay 'yon. Atleast hindi dinadaan sa salita, kundi sa gawa. Action speaks louder than words ika nga nila.
Nilingon ko siya nang mapansing kanina pa siya nakatingin sa akin. Umiwas naman kaagad siya ng tingin, tsk! Kakaiba talaga! Minsan, dadalhin ko na talaga siya sa mental hospital. Para na siyang nababaliw. Mas mukha pa ata siyang baliw kay Jaida e.
Ngumiwi ako. "Hindi ka ba kakain? Mabubusog ka ba sa pagtitig mo sa 'kin?"
He shrugged. "Tss kumain ka nalang dyan, magtatrabaho na 'ko." Tumayo na siya at naglakad na patungo sa kanyang study room.
"Kumain ka muna! Baka nalilipasan kana, hindi maganda 'yon," pahabol kong sabi pero hindi na siya sumagot pa.
Gabi na pero nagtatrabaho pa rin? Masipag naman pala siya kung ganoon. He's dedicated to his work. Akala ko'y pulos kalokohan lang ang alam e.
Kinuha ko ang iba pang pagkain at pinuntahan siya. Naabutan ko siyang nagtatype sa kanyang laptop.
"Oh kumain ka," nakanguso kong sinabi at inilapag 'yong dala ko sa harapan niya.
Hindi manlang siya nag-angat ng tingin sa akin. "Kumain na tayo sa resto kanina kaya busog pa 'ko."
"Iiwan ko nalang 'to rito para kapag nagutom ka," sabi ko, ang paningin ay nasa kanya lang.
Hindi na siya sumagot pa kaya lumabas na rin ako.
Bumalik nalang ako sa living room at ipinagpatuloy ang pinapanood ko, hindi ko masyadong nilakasan ang volume dahil gabi na rin at baka maingayan si Creed. Mahirap pa naman magtrabaho ng maingay.
Nang matapos ang pinapanood ko ay pumunta na ako sa aming silid at nahiga sa kama, napakalambot no'n at napakabango.
Ano bang pwedeng gawin? Aha! Nagpost ulit ako ng pic, nakasuot naman ako ng two piece roon. Maya maya lang ay nagcomment na ang mga kaibigan ko.
Maryqt: Kabogera naman pala si bakla!
Leigna14: Ang sexy naman!
Arbs.t: Sanaol pangmodel ang posing.
Dodols: Bakit nandyan 'yong nagbabantay ng gate?
Rsll: Happy birthday sorry na ha godbless HAHAHAHA!
Matt: Happy Anniversary!
JBryan: Say the line sadgirl.
Napailing ako sa mga pinagcocomment nila, lalo na iyong mga boys. Baka nang-aasar lang. Trip na naman nila ako e. Pero ang kakalat talaga! Nakakaloka naman!
Speaking of Creed, may acc kaya 'yon dito? Mayroon kaya siya no'n?
Nang walang magawa ay pinatay ko nalang ang phone ko, pero bigla nalang nagvibrate kaya binuksan ko rin agad.
From: Creed
Come to my study room, now. Let's talk.
Nakagat ko ang ibabang labi dahil doon, bakit gusto niya akong papuntahin doon? Anong pag-uusapan namin? May nagawa ba ako?
At oo, hindi na handsome neighbor ang pangalan niya. Pinalitan ko na, masyado kasing papogi e. Ang sakit sa mata char!
Wala na akong nagawa kundi puntahan siya sa study room niya. Napakabossy din minsan e!
"Bakit?" tanong ko nang makapasok sa study room niya.
Seryoso niya akong tinignan. "So, wala kang balak sabihin sa 'kin ang tungkol doon hmm?" tanong niya at lumapit sa akin.
What is he talking about? Pinagsasasabi nito? Papapuntahin niya ako rito pagkatapos ay magtatanungan lang kami? Aba naman talaga.
Nangunot ang noo ko. "Ang alin?"
Hindi ko talaga alam ang tinutukoy niya. Kung sinabi nalang niya e, di sana alam ko na. Pahirap din siya e. Ano bang akala niya? Manghuhula ako? Na mahuhulaan ko ang laman ng isipan niya?
"About your sexy picture," mariing aniya.
Gulat akong tumitig sa kanya. Paano niya nakita 'yon? Paano niya nalaman? And did he just say SEXY picture? So aminado siyang sexy ako ganoon ba?
"Paano mo nalaman? Paano mo nakita?" sunod sunod kong tanong.
Hindi ko siya magawang tignan. Bigla akong nahiya.
He sighed. "It's because I have an account, Ella," aniya at ibinigay sa akin ang phone niya.
Nakabukas doon ang account niya. Nandoon din ang picture ko na sinasabi niya.
Is he stalking me?
My brow arched. "Are you stalking me?"
"No," maagap niyang sagot. Not giving in to my accusations about him.
So if he's not stalking me, paano niya nalaman at nakita ang picture ko? Pinafollow niya ba ako? May nagsabi sa kanya? Alin sa dalawa?
"So paano?" tanong ko.
"Your ate sent it to me," pag-amin niya.
Lalong nangunot ang noo ko. Why would ate do that? Gosh, kahit kailan talaga oh!
Nangunot ang noo ko. "Ate ko? Si Ate Amber?" tanong ko, naniniguro.
Tumango siya. "Oo, sino pa bang ate mo?" tanong niya na naman pabalik.
I rolled my eyes. "Tsk, kahit kailan talaga," asik ko, naiiling.
"What she did was right Ella."
"Paano naging tama 'yon?" mapanghamon kong turan, pinagkrus ko ang parehong braso sa aking dibdib.
"Kung hindi dahil sa kanya, hindi ko pa malalaman na nagpopost ka na naman ng ganoon," masungit niyang tugon.
Naiinis ba siya dahil nagpost ako ng ganoon? Pero ano naman sa kanya? I mean, big deal ba 'yon? Ngayon lang ba siya nakakita ng nagpost ng ganyan? Saka kailangan ba ipaalam ko pa sa kanya? Na "Creed nagpost ako ng picture na nakasuot ng swimsuit, pasensya kana ha, Godbless" ganyan?
Ngumiwi ako. "Hindi ko naman alam na kailangan ko pang ipagpaalam sa 'yo 'yon."
Hindi siya umimik at sinadyang tumungo para masilip ang mukha ko. Bakit ba siya ganyan? Kinakabahan ako sa kanya e!
Hindi ako sanay na ipinapaalam ang ganyang mga bagay sa isang tao. Hindi ko nga kasi ugaling magkwento.
Bigla tuloy may sumagi sa isip ko. Sabi ni Kuya Keen, hindi mo tuluyang makikilala ang isang tao hangga't hindi mo nakakasama sa iisang bubong. Hays.
Pero kahit masungit siya o kung ano pang attitude niya, tatanggapin ko 'yon. Kung ganoon siya talaga, wala akong magagawa. Irerespeto at iintindihin ko nalang. Kahit naman kasi ako. May attitude rin.
"Tss, I'm your husband, Ella," may diin ang pagkakasabi niya no'n.
Ang sarap sa pandinig kapag sa kanya nanggagaling ang salitang 'yon.
So this is married life hmm?
Ngumuso ako. "E, dati naman no'ng nagpost ako, hindi ka naman nagalit, pinagtanggol mo pa ako sa bumastos sa akin pero ngayon? Parang nainis ka pa."
He sighed. "Dati kasi, magkaibigan lang tayo, iba na ngayon," sagot niya at bahagyang inilapit ang mukha sa akin.
"Are you mad? Pwede ko namang burahin—" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin nang hapitin niya 'ko palapit sa kanya.
Ang pagsusungit ko ay tila nawala, napalitan ng gulat. Bumilis na naman tuloy ang t***k ng puso ko sa ginawa niya.
"Let me see." Kinunotan ko siya ng noo matapos sabihin 'yon.
Ano bang sinasabi niya? Ano ang gusto niyang makita?
"Ang alin?" tanong ko, pero hindi siya sumagot.
Wala na sa akin ang tingin niya, kundi naroon na sa LABI ko. Binalot ako ng hiya kaya nakagat ko ang aking ibabang labi.
Malakas naman ang aircon pero bakit bigla yatang uminit? Ano bang nangyayari sa 'kin? Bakit parang may kakaiba akong naramdaman?
"Kung tapos na tayong mag-usap ay babalik na 'ko sa kwarto natin," sabi ko na hindi manlang siya matignan.
Bigla akong nailang s**t! Nakakahiya, baka namumula na ako rito.
Ngumisi siya. "Kwarto natin hmm..." sinabi niya 'yon sa paraan na talagang manghihina ang buong sistema ko.
Para siyang may hipnostismo, ano bang ginagawa niya sa 'kin? Bakit ganito ang nararamdaman ko?
"Creed, let me go, babalik na ako roon," sabi ko pa at sinubukang tanggalin ang braso niyang nakapulupot sa aking baywang.
Ngumisi siya. "Fine, I'll go with you, I need to sleep too," aniya at sinabayan akong maglakad pabalik sa kwarto namin.
Pagpasok palang sa kwarto ay may kakaiba na akong nararamdaman, hindi ko napigilan ang sarili ko, naisandal ko siya sa likod ng pintuan at marahang hinalikan.
Fuck, nasasabik ako sa kanya! Naalala ko lang iyong brief niya kanina ay lalo na akong nag-init.
~to be continued~