Chapter 13

2019 Words
Chapter 13 Maarte akong naupo sa couch sa loob ng opisina ni Creed. Pinagkrus ko ang parehong binti at braso. Nakangiwi naman niya akong tinignan nang makaupo siya roon sa swivel chair niya. Kung nagtataka kayo kung bakit ako nandito sa opisina niya, well iyon ay dahil pinilit niya akong sumama sa kanya. Tsk, ni hindi ko alam kung bakit pa ako kailangang sumama rito, like ano namang gagawin ko rito? Anong ambag ko? As if naman may magagawa ako e wala akong kaalam alam dito. "I'll be in a meeting later, pero mabilis lang 'yon kaya pwede na tayong umuwi pagkatapos," aniya at binuksan na ang kanyang laptop. Nagsimula na agad siyang magtipa roon ng kung ano man. "Maiiwan ako rito kapag pumunta ka sa meeting?" tanong ko habang tinitignan 'yong magazine na nasa lamesa. Iniisip ko talaga kung ano ang pwede kong gawin dito, lalo na at mukhang maiiwan akong magisa kapag ipinatawag na siya sa meeting mamaya. "Yes, pero mabilis lang 'yon kaya magkikita rin tayo agad," aniya, nang lingunin ko siya ay nakangisi na siya. Nagawa pang kumindat! I gritted my teeth, nagsisimula na naman siyang mang-inis. Kung dati rati'y kinikilig ako, ngayon parang naiinis ako kasi yumabang na naman siya! Masyado na siyang papogi at pacute, hindi naman bagay. "Kahit tagalan mo pa, wala akong pake," mataray kong tugon. Kinuha ko na ang magazine na tinitignan ko. Binuksan ko 'yon at isa-isang pinasadahan ng tingin ang bawat pahina. Narinig ko siyang matawa. "Really?" "Oo naman," matapang kong sagot. Tsk, ano bang akala niya? Mamimiss ko siya? Dzuh! Ilang minuto o oras lang kaming hindi magkikita kaya paniguradong hindi ko siya mamimiss. The nerve of this man, really! Lumipas ang ilang minuto at hindi na kami nag-usap pa ni Creed, abala na kasi siya roon sa kanyang laptop, batid kong inaaral at sinusuri niya 'yong para sa meeting mamaya. Nang sumapit ang alas dies ng umaga ay iniwan na niya ako dahil kinailangan niyang pumunta sa meeting. Nang walang magawa ay kinuha ko ang phone ko at nagonline shopping doon. Napangiti ako nang makitang nakasale ang mga bags and shoes na gusto ko. Kahit naman kasi mayaman kami, mas pinipili ko pa ring bumili kapag may sale o kaya may discount. Malaking bagay din kasi 'yon e. Natigil ako sa pagshoshopping nang makarinig ng ingay na sa tingin ko ay nanggagaling sa labas ng opisina ni Creed. Pinatay ko ang phone ko at lumabas ng opisina niya. Nakita ko ang isang babae na morena na inaaway ang isang empleyado rito. Lumapit ako sa gawi nila, tuloy ay nabaling sa akin ang paningin no'ng morenang babae na nageeskandalo at nang-aaway. Kapal naman ng face ni ate girl na gumawa ng eksena rito. Hindi manlang ba siya nahihiya? Dito pa siya sa kumpanyang 'to nanggulo? Aba naman talaga. "Sino ka naman?" masungit nitong tanong at sinuyod ng tingin ang kabuuan ko. I raised a brow. "Sino ka rin?" pagbabalik ko ng tanong at sinuyod din ng tingin ang kabuuan niya. Mukhang nairita siya sa ginawa ko kaya inirapan niya ako. I just gave her a smirk. Binalingan ko 'yong empleyado na inaway no'ng babae. "Anong kailangan niyan?" Tinignan ako no'ng empleyado. "Ma'am hinahanap po niya si sir Creed." Ngumiwi ako ng marinig na hinahanap niya ang asawa ko. Ano kayang kailangan niya? Pwes dahil wala si Creed ay ako ang harapin niya. Kung talagang matapang siya, harapin niya ang asawa ng lalaking hinahanap niya. Babae sa babae. "Sige, ako na ang bahala rito," sabi ko roon sa empleyadong babae. Tumango naman siya at ngumiti. "Sige po Ma'am, salamat po." Nang makabalik sa kanyang cubicle 'yong empleyado ay saka ko binalingan 'yong morenang babae. I licked my lips at saka siya inikutan. "Bakit mo siya hinahanap?" She raised a brow. "Ano namang pakialam mo?" Aba, ang attitude! Tanungin daw ba ako kung anong pakialam ko? E, kung isampal ko kaya 'yon sa kanya? Mukhang hindi niya nabalitaan 'yong interview namin ni Creed last time sa media kaya hindi niya nalaman na may girlfriend na ito o may kinakasama. Well, for show. Ngumisi ako. "May pakialam ako at may karapatan akong alamin kung anong kailangan mo sa kanya." "Sabihin mo nalang na hinahanap siya ni Jaida," utos niya. Hmm, so this girl is Jaida? Mukha palang e mapapagkamalan ng baliw. Grabe! Kakaiba rin ang confidence level ni girl eh 'no? Saka talagang inutusan niya pa ako? Nako Dauntiella, kalmahan mo lang. Mas may pinagaralan ka sa kanya kaya hindi mo siya dapat lalabanan sa paraan na hindi makatao. Karma nalang ang bahala sa kanya. "Okay, doon muna tayo sa opisina niya, doon natin siya hintayin," nakangiti kong sinabi at pinangunahan siya. Naupo kaming parehas sa couch. "Gaano katagal na kayong magkakilala ni Creed?" pang-uusisa ko. Chance ko na 'to para makapagtanong sa kanya. Sana lang ay sumagot siya ng tama at totoo. Nilingon niya ako at nginitian. "One year na rin." One year? Hindi pa gaanong katagalan 'yon. "Hmm, saan kayo nagkakilala?" tanong ko ulit. I want to know more about them. "Sa London," kaswal niyang sagot, ang ngiti ay hindi manlang naalis sa kanyang labi. London? What a coincidence nga naman! Kay liit ng mundo. Palihim akong umirap saka siya hinarap na may ngiti rin sa labi. "Ano kayo?" pranka kong tanong. "Boyfriend ko siya, soon magpapakasal na kami," sagot niya. Sa isip isip ko'y tinawanan ko lang siya. Dream on girl! Dahil kahit kailan ay hindi ka niya tinuring na girlfriend, poor you dahil mukhang wala siyang balak na pakasalan ka. Kung alam mo lang kung gaano ka niya kagustong mawala sa buhay niya. Saka hindi na possible iyong gusto mo, well...hangga't kasal kami. "Ohh, congrats," sabi ko at nginitian siya ng pagkalapad-lapad. Kahit na kami dapat ang icongratulate mo, pero hayaan na nga. Para naman maranasan niya 'yong pakiramdam na masabihan niyan kahit sa huling pagkakataon. "Thank you, nacontact mo na ba siya? Nasabi mo bang nandito ako?" sunod sunod niyang tanong. Tsk so desperate. Kung alam lang niyang nandito ka ngayon ay baka hindi na 'yon bumalik dito. "Hindi nga e, nasa meeting kasi siya, alam mo naman diba busy doon, hintayin nalang natin siya," sabi ko pa at muling ngumiti, sa ganoong paraan ko hinahabaan ang aking pasensya. Nakakairita ang babaeng 'to! Ilang sandali pa ang lumipas at nagkanya kanya na kaming gawain ni Jaida. Inabala ko ang sarili sa pagtingin sa aking cellphone habang siya naman ay panay ang ayos sa sarili. Ngumiwi ako nang sandali siyang sulyapan. Kahit naman magpaganda ka, balewala... "Bakit ka pala nandito?" tanong niya habang naglalagay ng lipstick, may hawak din siyang salamin. Nilingon ko siya at nginitian. "Sinama ako ni Creed dito." Nakita ko siyang natigilan at dahan dahan akong nilingon. "Oh, magkaano ano ba kayo? Magpinsan? Friends?" Kung alam mo lang kung ano niya ako, baka maiyak ka sa inggit dyan. Sasagot na sana ako nang biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nito si Creed. Halatang nagulat pa siya nang makita kami ni Jaida na magkasama. Nginisian ko lang siya bago tinanguan. Tumayo ako at lumapit kay Creed. Ikinawit ko ang sariling braso sa kanyang braso. Nakita kong dumako roon ang paningin ni Jaida. Hindi rin nakaligtas sa akin ang pag-irap niya habang tinitignan ang braso ko sa braso ng kanyang kinababaliwan. Nakangiti kong tinignan si Creed. "May bisita ka." Nilingon naman ako ni Creed saka binalingan si Jaida na ngayon ay biglang lumapad ang ngiti. "What are you doing here Jaida?" "I came here to see you," sagot niya at tumayo na mula sa kanyang kinauupuan. Nilingon ako bigla ni Creed, nag-usap kami sa pamamagitan ng mata. Batid kong nakatingin sa amin si Jaida ngayon. "Ipakilala mo ako sa kanya," utos ko. Tumango si Creed at kumindat. Hindi na naman nakaligtas sa akin ang pagirap ni Jaida. Mainggit ka riyan! Inalis ni Creed ang braso ko na nakakawit sa kanyang braso. Nakita kong lumiwanag ang mukha ni Jaida dahil doon. "Jaida, this is Dauntiella..." aniya at inilagay ang braso sa aking bewang. "My wife," muli niyang sinabi at mas hinapit ako palapit. Gulat kaming tinignan ni Jaida. Para na siyang maiiyak sa kanyang kinatatayuan. "No, hindi 'yan totoo, nagpapanggap lang kayo para pagselosin ako," ani Jaida na naiiling pa Palihim ko siyang inirapan. Ano pa bang gusto niya? Magsex kami rito para lang maniwala siya? Gosh the nerve talaga! Ngumiwi ako. "Hindi ka naniniwala na kasal kami?" Mabilis na umiling si Jaida at pinanlisikan ako ng mata. "Paano ako maniniwala na kasal kayo e, wala naman kayong suot na wedding ring." Natigilan kaming pareho ni Creed at nagkatinginan. Nawala lang ang tingin namin sa isa't isa nang biglang may kumatok sa pintuan. Oo nga 'no? Wala kaming wedding ring na suot! Gosh. "Sir," anang babae mula sa labas. "Come in," tugon ni Creed. Bumukas ang pinto at iniluwa nito 'yong babaeng kausap ni Jaida kanina. "What is it Aya?" tanong ni Creed dito. Ngumiti si Aya at lumapit kay Creed. May inilahad siyang isang maliit na box sa aking asawa. "Pinabibigay po ng Mommy niyo, pasensya na raw po at ngayon lang." Kunot-noo akong tinignan ni Creed. Tinanguan ko lang siya at sinenyasang buksan ang box. "Sige sir maiwan ko na po kayo," ani Aya bago tuluyang lisanin ang silid. Binuksan ni Creed ang box. Gano'n nalang kalaki ang pagkakangiti niya nang makita ang dalawang singsing sa loob no'n. Oh what a good timing! Kung talagang galing man ito sa mga magulang ni Creed. Laking pasalamat namin sa kanila. Ito ang kukumpleto sa palabas na 'to. Binalingan ni Creed si Jaida. "Here's our wedding ring." Hindi sumagot si Jaida kaya binalingan na ako ni Creed. Kinuha niya ang singsing na para sa akin at isinuot 'yon sa aking daliri. Gano'n din ang ginawa ko sa kanya. Gosh! Ni minsan hindi sumagi sa isipan ko na possible palang magsuotan ng singsing sa isang office. "I love you baby," ani Creed na sinadya pang lakasan ang pagkakasabi no'n. Nginitian ko siya. "I love you too," sagot ko at walang sabi sabing hinalikan siya sa labi. Matagal, malalim at napakainit no'n. Akala ko'y hindi niya tutugunin ang halik na iginawad ko, pero mali ako, siya pa ang mas nagpalalim no'n. Mas hinapit niya ako para mas masipsip niya ang ibabang labi ko. "Oohh," daing ko nang kagatin niya ang ibabang labi ko. Nakita kong matawa si Creed, pero hindi niya pa rin tinantanan ang labi ko. Napabitaw lang kami sa halik nang marinig namin ang malakas na pagsara ng pinto. "You're good," ani Creed na parang hinihingal pa. Tumaas ang isa kong kilay. "Good with what? Acting?" Natawa siya at dinilaan ang kanyang labi. "You're a good kisser baby." Talaga bang hindi mawawala sa kanya 'yang ugali niyang 'yan? Iyong mapang-asar? Pasalamat nga siya sa ginawa ko, mukhang napaniwala namin si Jaida dahil doon. Namula bigla ang mukha ko matapos niya 'yong sabihin. "Don't tease me okay?" "Ako ang first kiss mo pero parang napakarami mo ng alam," nakangisi niyang tugon. Sumama ang mukha ko at hinampas siya sa braso. "Napaka mo!" "Siguro'y nag-aral ka 'no?" panunukso pa niya. "Tigilan mo ako!" asik ko at inirapan siya. Lalo siyang natawa. "Iyon palang ang ginawa ko pero umungol kana, paano pa kaya kapag higit pa roon ang ginawa ko? Baka tumirik na ang mata mo, hmm?" Nakagat ko ang ibabang labi sa inis. Mabilis kong dinampot ang magazine na nasa lamesa at inihampas 'yon sa kanya. "Huwag ka ng umasa leche! Napakabastos mo!" "Oh c'mon baby, I have needs, hindi mo naman siguro iniisip na sa iba ko 'yon makukuha diba?" Hinampas ko siyang muli. "You have needs, we both have! Pero magsarili ka!" Pwede naman siyang magsarili e! Idadamay pa ako sa kaanuhan niya. Grabe na talaga. "Hindi ko na yata kayang gawin 'yon," aniya na sinadya pang ibulong 'yon sa aking tenga. Nangunot ang noo ko. "Bakit na naman?" Ngumisi siya at inilapit ang mukha sa akin. "Kasi nandyan kana." "Damn you!" pagalit kong tugon saka siya hinampas ng malakas sa braso. ~to be continued~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD