Chapter 12
Gulat akong tinignan ni Kuya. "Woah, chill," aniya at itinaas pa ang parehong kamay.
Sumama ang mukha ko. "Umalis kana nga rito kuya, naiinis ako."
Narinig ko siyang natawa. "So you like Creed huh?" tanong niya na lalong nagpainis sa akin.
Hindi ko siya pinansin at pilit na itinuon ang atensyon sa pinanonood.
"Sabagay, sino nga namang hindi mafafall sa kanya 'no?" muling tanong ni Kuya, batid kong nakangisi pa siya. Kitang kita ko sa gilid ng mga mata ko! Nang-aasar siya!
Hindi ulit ako sumagot. Bahala siya riyan!
"Balita ko nga'y baliw na baliw daw do'n 'yong Jaida—"
Ginulo ko ang sariling buhok. "That's it, I'm leaving, naiinis na talaga ako," iritado kong sinabi at pinatay na ang malaking tv.
Narinig ko pang tinawag ako ni Kuya pero hindi na ako nag-abalang lumingon pa. Gusto ko ng bumalik ng London! Mas tahimik ang buhay ko roon, kung bakit kasi umuwi uwi pa ako. Tuloy ay hindi ko maiwasang magsisi.
Nang kinagabihan ay balak ko lang sanang manatili sa kwarto, pero pinilit na naman nila akong bumaba. Tuloy ay napilitan ako. Pagbaba ko, naabutan ko pa sina Tito Alfred, Tita Grace at Creed na nandoon sa dining area, kasama ang pamilya ko.
Tahimik akong naupo sa bakanteng upuan na katabi ng kay Creed. Wala naman akong choice, iyon nalang ang bakante. Ayoko rin namang gumawa pa ng eksena dahil lang sa upuan. Napakababaw no'n.
"Dauntiella, kailan mo balak bumalik sa condo?" tanong ni Daddy. Natigilan ako sa pagkain at dahan dahang nag-angat ng tingin sa kanya.
Talaga bang itinanong 'yon ni Daddy sa akin? Ibig sabihin ba niyan, mas gusto nilang doon nalang ako sa condo?
"Hindi na ako babalik doon Dad," sagot ko at ininom ang tubig na nasa harapan ko.
Nahuli kong tumaas ang isang kilay ni Mommy. "And why is that? Akala namin ay doon mo gustong tumira?"
I can't believe her! Napaka! Oo nga at doon ko gustong tumira, pero dahil 'yon sa kanila. Kapag kasi nandito ako sa bahay ay para na akong masisiraan ng bait.
Inilapag ko ang baso saka hinarap si Mommy, I faked a smile. "Babalik na ako sa London." Gano'n kasimple ko 'yong sinabi. Naramdaman kong nagulat sina ate at kuya, miski ang mga De La Vega.
Nakakapagtaka talaga na ganyan ang mga reaksyon nila. Nakakapagduda iyon.
"You can't do that," dinig kong ani Daddy.
"Why is that Daddy?" tanong ko na nakataas pa ang isang kilay, nanghahamon.
"You just can't hija." si Tita Grace na ang sumagot no'n, hindi ko inaasahan.
Naguguluhan ako pero hindi ko na naisip na magtanong. Bahala sila riyan, napakagulo nila.
Kinabukasan ay bumalik ako sa condo upang kuhanin ang iba kong gamit. Desidido talaga akong umalis ng bansa. Gusto ko na talagang bumalik sa London at doon ituloy ang buhay ko. Atleast doon, malaya ako, masaya at hindi naiipit sa kung ano anong issue ng pamilya namin.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos nang biglang tumunog ang doorbell. Bumuntong hininga ako bago tuluyang bitawan ang mga damit kong nakahanger. Inayos ko pa ang aking damit na medyo nagusot bago tuluyang buksan ang pinto.
"Good morning Ma'am, delivery po para sa inyo," anang lalaki. May hawak siyang envelope na kulay brown. Batid kong dokumento ang laman no'n.
Nangunot ang noo ko. "Para sa akin? Kanino galing?"
Sino naman ang magpapadala ng document sa akin? Saka bakit dito at hindi sa bahay? Nakakapagtaka kasi iilan lang naman ang nakakaalam na sa condo ako nananatili ngayon.
"Hindi po sinabi Ma'am e," aniya at iniabot na sa akin ang papel, pinirmahan ko naman 'yon at kinuha ang envelope.
Pagkapasok ko sa loob ng unit ay binuksan ko kaagad 'yong envelope. Nagawa ko pang sumipol habang unti-unting inilalabas ang laman no'n, pero ganoon nalang ang panlalaki ng mata ko nang makita kung ano 'yong dokumento na ipinadala sa akin.
"s**t!" Napamura ako nang makita ang nilalaman ng envelope. This can't be! This is bullshit! Paano 'tong nangyari? No! Hindi talaga ito maaari! Hindi ito possible!
Paulit ulit ko 'yong sinuri at binasa. Pero kahit anong gawin ko ay gano'n pa rin talaga.
Ang ipinadala sa aking dokumento ay marriage certificate namin ni Creed, our names were here with a signed of course.
Pero paanong nangyari 'to? E, hindi ko naman maalala na pumirma ako ng marriage certificate? And with Creed? Really? Baliw na ang gumawa nito!
Hanggang sa bigla kong naalala iyong party noong nakaraan. Iyon ang una at huling dokumento na pinirmahan ko magmula nang makabalik ako rito sa Pilipinas! Iyon lang din ang araw at oras na kasama ko si Creed.
Mabilis kong tinignan ang date kung kailan 'yon nangyari! Damn it! Noong araw nga iyon ng party! They tricked me? Us? May alam ba si Creed dito? Kaya ba ganoon nalang ang ngiti ng aming mga magulang? Kasi nagtagumpay sila sa gusto nila? At 'yon ay ang maipakasal ako sa anak ng kabusiness partners nila? Kaya ba pinauwi nila ako para rito?
Inis akong lumabas ng unit at paulit ulit na pinindot ang doorbell ni Creed. Matapos ang ilang doorbell ay binuksan na niya ito.
Nagulat pa siya nang makita ako. Marahil hindi inaasahan na ganoong mukha o itsura ko ang bubungad sa kanya. Bahagya niyang ibinuka ang pinto para makapasok ako. Sinamaan ko siya ng tingin bago tuluyang pumasok sa unit niya.
"What do you need?" tanong niya nang parehas na kaming nasa loob.
Inis ko siyang hinarap at idinikit sa kanya 'yong dokumento na nakita ko. Kunot-noo niya akong tinignan bago 'yon binalingan.
Pinagmasdan ko ang kanyang reaksyon. Ang pagkakakunot ng kanyang noo ay lalong nagdagdagan.
Mukhang wala rin siyang alam sa nangyayari! So ibig sabihin, napaglaruan kami? They tricked us? Wow, really! Paano nila 'to nagawa?
"How did this happened?" tanong niya at muling sinulyapan ang dokumento.
"I don't know, pupunta ba ako rito kung may alam ako?" sarkastiko kong tugon.
"Sinong nagpadala sa 'yo nito?" tanong niya, ang paningin ay naroon pa rin sa hawak na papel.
I shrugged. "I don't know, basta nalang may nagdeliver niyan kanina."
Napahawak siya sa kanyang ulo. Dahan dahan niya 'yong minasahe.
"May alam ka ba riyan?" tanong ko, kahit naman obvious na wala. Pero gusto ko lang makasigurado!
Nag-angat siya ng tingin sa akin. Nakakunot ang noo. "Mukha bang mayroon?" pagbabalik niya ng tanong.
I rolled my eyes. "Aba malay ko, kaya nga tinatanong kita."
"Hindi ako may gawa niyan," mariin niyang sinabi at ibinalik na sa akin ang dokumento. "May idea kana ba kung sinong may gawa nito?" tanong niya maya maya.
Nilingon ko siya saka ako pabagsak na naupo sa sofa. "Ang mga magulang natin, sino pa ba?"
Natahimik siya, maya maya'y kinuha niya ang cellphone sa bulsa at tinawagan ang mga magulang. So I did the same. Pero hindi sila sumasagot.
"What? Nakausap mo ba ang parents mo?" tanong ko nang bumalik siya sa living room.
Bumuntong-hininga siya at tumango. "Yes and they confirmed it, sila nga raw ang may gawa no'n." Nahilot niya ang sentido.
"Hindi sinagot ng parents ko ang tawag, pero hindi naman na kailangan kasi kinumpirma na ng mga magulang mo," sagot ko at sumandal sa sofa. Naipikit ko ang parehong mata dahil sa inis.
Paano nila nagawa 'to sa akin? Anak ba talaga nila ako? Bakit gano'n lang kadali sa kanila na ipakasal ako, ipamigay? Wala na ba talaga akong halaga sa kanila?
"Ella..."
"Hmm?" tanong ko, nakapikit pa rin.
"Sorry about this," bulong niya.
I quickly opened my eyes. "It's okay, wala ka namang alam e."
Parehas lang naman kaming walang alam, parehas kaming biktima kaya hindi dapat siya humingi ng tawad sa akin. Saka panigurado namang masosolusyunan din 'to agad. Well...sana diba? Para matapos na at makabalik na talaga ako ng London.
"No, I'm sorry, hindi lang dito pati na rin sa nakaraan," sabi na naman niya.
"Hayaan mo na 'yon, nakalipas na, pasensya na nainis lang ako," sabi ko at nag-iwas ng tingin.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? No'ng isang araw ay inis na inis ako sa kanya, miski makita, makausap at makasama siya ay ayaw ko, pero bakit ngayon ay parang okay na naman? Parang bumigay kaagad ako sa simpleng ganyan niya lang?
"Thanks, sorry ulit," aniya at ginulo ang buhok ko.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Huwag mong guluhin ang buhok ko," asik ko at muling inayos ang buhok kong medyo nagulo.
"Sorry," pag-uulit niya.
"Stop saying sorry okay? Nakakasawa kapag paulit ulit na."
"Yeah, by the way tutuloy ka pa ba sa London?"
Natigilan ako at bumuntong hininga. "Mukhang hindi, kailangan muna nating maayos 'to."
"Ella, about our marriage..."
Our marriage huh? But, what about it? Aayusin na ba namin agad ang divorce o annulment?
"What?"
"Can I ask you a favor?"
Favor? Bakit pakiramdam ko pakikiusapan niya ako na manatiling kasal sa kanya?
Ngumiwi ako. "Ano na naman 'yan?"
"Let's not get a divorce—"
"What?"
"Let me finish first okay?" tanong niya.
Wala akong nagawa kaya tumango nalang ako.
"I need your help, Jaida is back, alam kong isa 'to sa dahilan kaya ako pinakasal nina Mom sa 'yo bukod sa kumpanya," He sighed. "Baliw na baliw ang babaeng 'yon sa akin, so please help me get rid of her."
Oh, so tama ako? Pakikiusapan niya nga akong manatiling kasal sa kanya, at iyon ay dahil kay Jaida? E, di parang inamin na rin niya na kaya siya pinakasal sa akin ay dahil sa babaeng 'yon at sa kumpanya. Tho alam ko naman na una palang na iyon talaga ang dahilan, pero iba pa rin kapag sa bibig na mismo nanggaling.
"And after you get rid of her?"
"We'll file a divorce." Gano'n kasimple niya 'yong sinabi na para bang hindi big deal ang issue ng divorce sa bansang ito.
Pero bakit nakaramdam na ako ng sakit, kahit na wala pa naman? Kahit hindi pa nangyayari?
Bumalik ako ng condo matapos naming mag-usap ni Creed. Nahiga ako sa kama saka nag-isip. Magdadalawang buwan na ako rito pero napakarami ng nangyari.
Magagawa ko pa bang takasan ang mga ito? Kung ako mismo ay nahulog na sa lalaking dapat tinuring ko lang na kaibigan o kapatid?
Hindi na ako bumalik sa bahay namin no'ng araw na 'yon. Naiinis ako. Paniguradong lalo lang 'yong madadagdagan kung uuwi ako at makikita ko sina Mommy.
Hindi ko rin basta basta lang matatanggap na ipinakasal nila ako para lang sa business. Because that's too much! Akala ko'y sa palabas lang 'yon nangyayari, ni hindi ko naisip na pati sa akin ay posible 'yong mangyari.
Inis akong bumangon at ginulo ang sariling buhok. "This is f*****g hopeless! Kung hindi nangyari 'to e, di sana makakabalik na ako sa London."
"Yeah, I'm sorry," ani Creed.
Halos mapatalon ako sa gulat nang makita siya roon sa may pintuan ng aking kwarto, nakapamulsa.
Naglakad siya palapit sa akin at naupo sa paanan ko. "Babalik ka rin sa dati mong buhay pagkatapos nito, I promise," aniya at hinalikan ako sa noo.
Natigilan na naman ako sa ginawa niya. Hays parang hindi yata ako masasanay sa ganoong gesture. "Sana nga," bulong ko.
"Don't worry, I'll treat you better baby," sabi niya at niyakap ako.
Nakagat ko ang sariling labi bago siya tuluyang yakapin. Baby? Does this mean, baby sister? Oo nga pala, kapatid lang ang turing niya sa akin, iyong sinabi niya no'ng nakaraan na pwede raw bang magbago ang isip at kung ano ano pa, sa tingin ko'y walang katotohanan 'yon.
Nang sumapit ang tanghalian at hapunan ay niyaya lang akong kumain ni Creed sa labas, siya pa ang nagbayad no'n. Kung dati rati'y masaya kaming nagkekwentuhan at nag-aasaran tuwing kumakain, ngayon ay parang kabaliktaran. Hindi ako nagsalita at itinuon nalang sa pagkain ang atensyon, habang siya naman ay nasa cellphone ang buong atensyon.
Nag-angat siya ng tingin sa akin nang muli na namang tumunog ang kanyang cellphone. Panglimang beses na 'yon ngayon.
"Sorry about the phone calls, hindi bale mamaya ko nalang sasagutin," aniya at itinago na sa bulsa ang phone.
"By the way, sa condo nalang muna ako mananatili, ayokong umuwi sa bahay," sabi ko at inikot-ikot ang straw sa aking inumin.
"It's okay, mukhang ako rin ay gano'n nalang."
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "And why is that?"
He licked his lips then stared at me. "Kung nasaan ang asawa ko ay doon ako."
Asawa? Bakit napakaganda naman yata sa pandinig kapag siya ang nagsasabi?
Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko makayanan ang tingin niya!
"Tigilan mo ako, alam naman natin na kaya lang natin 'to ginagawa ay para mawala si Jaida," sabi ko at mapaklang ngumiti.
Shit! Sinasaktan mo ang sarili mo Dauntiella!
~to be continued~