"Magaling! Mahusay ang ipinakita mong katalinuhan, bata. Sana nga ay magpatuloy ka sa ppsitibong pananaw sa buhay, ng sa gayon ay hindi ka madala ng masasamang nilalang na kasama niyong nabubuhay sa mundo." Proud na saad ni Amias.
Yumukod si Aeron bilang tanda ng pasasalamat. Ipinatong naman kaagad ng pinuno ang kaniyang kamay sa ulunan ni Aeron at binasbasan ang binata, pinagkalooban ng natatanging kakayahan na magagamit niya kapag siya ay tuluyan ng humarap sa mga tunay na kalaban.
"Humayo kayo at mag-ingat. Ikaw, higantatay, bilang tagapagbantay ni Aeron, siguruhin mong hindi na mauulit pa ang kapahamakang idinulot ng gaya niyang mortal noon sa ating kaharian." Mahigpit na bilin ni Amias.
"Sinisiguro ko, Pinuno."
Iyon lamang at naglakbay ng muli sina Aeron at Higantatay. Tatawid na sila sa portal patungong mundo ng mga tao.
"Handa ka na ba, Aeron?"
"Oho!" Buong tapang na tugon niya.
Ilang sandali pa ay lumitaw ang animo'y malaking salamin sa kinatatayuan nila, naglakad ng dere-deretso doon si Higantatay at sa pagkagulat ni Aeron ay tumagos lamang ito doon. Hindi na siya nag-aksaya ng oras, mabilis siyang sumunod sa kasama at inabutan itong naghihintay rin sa kaniya sa loob.
Ang paligid nila ay puno ng salamin habang malamlam na liwanag lamang ang tumatanglaw sa kanila. Maya-maya pa ay nakaramdam ng hilo si Aeron at pakiramdam niya ay masusuka siya. Napayuko siya, tinapik-tapik naman ni Higantatay ang likod niya at hinaplos.
"Normal yan kapag tumatawid sa portal. Hindi ka pa kasi sanay."
Hindi kumibo si Aeron. Para siyang mauubusan ng lakas.
Pero hindi naman iyon nagtagal, ilang sandali pa ay umayos na rin ang pakiramdam niya. Ng muli niyang igala ang tingin sa paligid ay wala na ang babasaging salamin na nakapaligid sa kanila, sa halip ay natanaw niya ang isang salamin kung saan nasisilip niya ang anumang nasa likuran noon! Animo'y isang clear glass na kumikinang.
Marahan siyang humakbang palapit doon.
"Ito na ang pinakalagusan mo patungo sa inyong mundo, Aeron. Ang nakikita mong tanawin ay ang mundong pinanggalingan mo. Maaari mong matanaw o marinig ang kahit sino mula diyan sa labas pero hindi ka nila makikita dito. Hindi rin ito alam ng kahit sinong nilalang maliban sa ating dalawa kaya kung nais mong pumasok dito at magpahinga ay kailangan mong magdoble ingat."
"Ibig sabihin, puwede akong bumalik dito?" Manghang tanonv ni Aeron.
"Oo naman, puwede mong maging tambayan ang pintuang ito pero nasa sa iyo kung mas gugustuhin mong manatili sa labas."
Muling iginala ni Aeron ang paningin. Malawak ang kinalalagyan niya, bagama't medyo malamlam ang liwanag ay tila mas kumportable namang manatili doon.
"May kakayahan kang tukuyin kung sino ang tunay na tao sa mga demonyo, Aeron. Iyon ang isa sa katangiang ipinagkaloob sa'yo ni Amias. Sana ay gamitin mo ng maayos ang kakayahang iyon. Sa ganoong paraan, mahahanap mo ang mga nilalang na dapat panagutin sa naging trahedya ng inyong pamilya."
"T-talaga? Ngunit, paano ko sila makikilala?"
"Makikita mo ang tunay nilang anyo kahit pa nasa hitsura sila ng tao. Maaari mo silang linlangin at paikutin basta hindi mo ipapaalam ang kakayahan mo.".
Kaya iyon nga ang sinubukang gawin ni Aeron. Nagulat siya ng mapagtantong nakatapak na ang kaniyang mga paa sa madamong parte na iyon ng lugar na kanina ay tinatanaw niya lang.
Tiningnan niya ang pinagmulan, pero napanganga siya ng makitang katawan lamang iyon ng isang malaking puno.
"Dito ako lumabas?!"
Nangunot ang noo niya at sinubukang kumatok doon. "Tay?"
Napaigtad siya ng mula sa likuran ay may humawak sa magkabila niyang balikat. Agad siyang lumingon doon.
"Tay! Ginulat niyo naman ako, saan kayo dumaan?"
"Sa likod," simpleng tugon nito.
"Dito ba tayo lumabas?" Tanong ni Aeron habang nakaturo sa malaking puno.
Ngumiti at tumango si Higantatay. "Diyan nga."
Namangha si Aeron, paanong puwede palang daanan ang ganitong puno? Nagulat pa siya ng biglang hawakan ni Higantatay ang kamay niya at inilapat ang palad niya sa katawan ng puno. Napasinghap siya ng tila umilaw ang hinahawakan niya, parang may kung ano siyang naramdaman..
"Paraan ito upang kilalanin ka ng puno at bigyan ka ng daan sa tuwing nanaisin mong bumalik sa 4th dimensional space o manatili lamang sa loob."
Lihim na napangiti ang puso ni Aeron, may kung anong tuwa ang nagpainit sa damdamin niya at ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakaramdam siya ng ganito..
"Halika, may ipapakita ako sayo," yakag ni Higantatay sa kaniya. Tumalima naman siya at sumunod na dito.
Nilabas nila ang matatayog na puno at magubat na parteng iyon, sa b****a ay tumambad kay Aeron ang isang pamilyar na lugar..
Ang nakatayong bahay at sasakyan sa tapat noon na tila niluma na ng pahon. Ang bahay ng kaniyang pamilya!
Ang bahay na tulad niya ay naging saksi sa lahat ng masasayang alaala gayundin ng madudugong insidente sa kanilang buhay.
Tila mabilis na nanariwa sa isip ni Aeron ang kaniyang kamusmusan. Isa iyon sa alaalang napakahirap kalimutan, parang kahapon lang iyon nangyari at ang sugat na iniwan noon sa kaniyang puso ay hindi pa rin naghihilom.
Naramdaman niya ang marahang pagtapik ni Higantatay sa kaniyang balikat.
"Dito nagsimula ang lahat, Anak. Dito ka rin magsimula ngayon."
Napabuntong-hininga siya. Tuluyan ng napabayaan ang bahay na iyon, napakaraming malalagong d**o ang nasa paligid, may mga lumot na ring kumakapit sa mga pader na dati ay makinis pa at napipinturahan ng navy blue.
"O, pa'no, iiwanan na kita rito, Aeron. Ikaw na ang bahala sa sarili mo. Kapag kailangan mo ako, alam mo kung saan ako matatagpuan. Papasyal ako dito madalas para subaybayan ka."
Malungkot niyang nilingon ang katabi at marahang tumango.
"Maraming salamat, Tay."
Pinisil pa nito ang balikat niya saka muling naglakad pabalik sa malaking puno. May kaunting kaba pa ring nararamdaman si Aeron pero naglakad na rin siya patungo sa pintuan ng bahay.
Ng matapat sa main door ay pinihit niya ang seradura pero nakalock iyon, napabuntong-hininga siya. Akma na sana siyang aalis upang maghanap ng ibang madadaanan papasok ng mapabaling ang tingin niya sa paso na nasa gilid ng pinto. Dati ay natatamnan iyon ng magandang halaman pero ngayon ay tanging lupa na lang ang naroon.
May kumislap sa isip niya, kinuha niya iyon at itinaas.
Tama siya, nasa ilalim pa rin noon ang ilang pirasong susi na ngayon nga ay kinakalawang na...
Ito ang susi ng kanilang bahay!