KABANATA 9: PAGKIKITA

1006 Words
Pagpasok ay tumambad sa kaniya ang dati ay maaliwalas nilang sala. Ngayon ay walang pinagkaiba ang hitsura nito sa nararamdaman niya, malungkot at walang buhay. Nababalutan ang mga kagamitan ng puting tela at halata sa mga alikabok na naroon ang mahabang panahong lumipas. Iginala niya ang paningin subalit malungkot lamang siyang napapangiti dahil sa bawat lugar na mapapagawi ang tingin niya ay nakikita niya ang masasayang alaala nila ng pamilya na nabuo doon. Hindi niya namalayan na muling lumuluha ang kaniyang mga mata. Naglakad pa siya at sa pagkakataong yun ay sa kanilang kwarto naman siya nagtungo. Sa ibabaw ng maliit na lamesita ay nakita niya ang ilang picture frame na nakataob. Kinuha niya ang isa doon at binuksan. Ang larawan ng kumpleto at nakangiti niyang mga magulang habang masayang magkayakap. Ilang taon man ang lumipas ay hindi man lang kumupas ang mga iyon. Tila kahapon lang kinuhaan. Wala sa sariling nahaplos niya ang larawan ng mga ito bago iyon muling ibinaba. Sinunod niyang tingnan ang isa pa at larawan naman iyon ng buo nilang pamilya, karga silang dalawa ng kaniyang kapatid at gaya ng nauna, puno ng masisiglang ngiti ang kanilang mga labi. Animo'y walang katapusan ang ligayang nadarama nila, pero mali, dahil maagang binawi ng kapalaran ang masasayang sandaling iyon. "Hindi ko na magagawang ibalik ang masayang nakaraan, pero salamat po sa puno nang pagmamahal na mga alaala. Sisiguruhin ko na hindi masasayang ang mga buhay niyo, Ipinapangako ko yan!" determinadong saad ni Aeron sa sarili habang malungkot na nakatitig sa kanilang litrato. Sa kamang nababalutan din ng tela ay pabagsak niyang ihiniga ang katawan. "Ang lambot," mahinang bulalas niya. Malayo sa tekstura ng kamang ilang taon niyang hinigaan sa mundo nila Higantatay. Kaagad na nakaramdam ng antok si Aeron, Pakiramdam niya ay nanghina siya sa lahat ng natuklasan, sa mga katotohanang bumabalot pala sa kaniyang pagkatao. Bagama't may ilan doon ang wala pa ring kasagutan, umaasa siya na sa paglipas ng mga araw ay mabibigyan din iyong malinaw na paliwanag kasabay ang pagkamit niya ng katarungan. Hindi niya na namalayan na nakatulog na pala siya. Kung gaano katagal, wala siyang ideya. Naalimpungatan lang siya ng makaramdam ng kaluskos sa kung saan. May naririnig siyang mga yabag ng paa at alam niyang ang tinutungo noon ay kwartong kinaroroonan niya. Napabalikwas siya ng bangon at maingat na kumilos. Kaagad siyang naghanap ng pagtataguan. Bukas ang pintuan at hindi na siya nag-abalang isara pa iyon, sa halip ay sa likod siya noon nagtago. Tahimik siyang nag-abang sa pagpasok ng kung sino mang estranghero sa loob ng kwartong iyon. "Sino kang basta na lang pumapasok sa loob ng bahay namin?!" Galit na bulong ni Aeron sa sarili. Matiyaga siyang naghintay sa pagpasok nito. Mula sa pinagkukublihan ay malaya niyang matatanaw ang papasok, kung may masama man itong binabalak, siguradong mauunahan niya ito dahil hindi naman siya nito makikita doon. Pero nangunot ang noo niya ng mapagtantong isang babae ang pumasok. Nakatalikod man ito ay pansin niya sa hulma ng katawan nito na hindi ito lalaki. Purong itim ang suot nitong fitted na jeans at may hood na jacket. Tiningnan lang rin nito ang mga larawan na nasa ibabaw ng lamesita saka iginala ang paningin sa kabuoan ng silid. Ng mapa-sideview ito ay nakita niyang naka-mask din ito kaya hindi niya makita ang buong mukha ng babae. Ng tuluyang magawi sa pintuan ang paningin nito ay mabilis na ikinubli ni Aeron ang katawan. Pero hindi siya sigurado kung hindi nga siya nakita nito doon. Rinig niya ang mahihinang kalabog ng papalapit na paa, kinabahan siya nang bahagya, mukhang nakahalata ito na may iba pang tao sa bahay na yun maliban sa kaniya. Nakita niya pa ang paghawak ng kamay sa pintuan at ang tuluyang pagtambad sa kaniya ng babae. Sandali siyang nakipagtitigan dito na noo'y gulat ding nakamasid sa kaniya. Maya-maya pa ay naningkit ang mga mata nito at muling pabalibag na ihinampas sa kaniya ang pisngi ng pintuan. Sandaling hindi nakahuma si Aeron, naramdaman niya na lang ang masakit na pagtama ng pintuan sa noo niya. Nahilo siya nang bahagya pero nagawa niyang salagin ang pinto ng muli iyong ihahampas ng babae sa kaniya. "Sandali, sino ka!" Galit na tanong ni Aeron pero sa halip na sumagot ay patakbo na itong lumabas ng silid. Kaagad na sinundan ni Aeron ang babae pero kahit ano pang bilis niya ay tila mas mabilis itong nakalayo sa kaniya. Tumakbo ito sa magubat na bahagi ng lugar kung saan din siya nanggaling kanina. Natatanaw niya pa ang imahe ng babae pero sa pagkagulat niya ay bigla itong naglaho ng umikot sa malaking katawan ng puno.. Napuno ng pagtataka ang isip ni Aeron. Sino ang babaeng yun? Bakit siya pumasok sa bahay nila at bigla na lang naglaho sa parteng iyon ng gubat? Inis niyang iginala ang paningin sa paligid gayundin sa itaas ng mga puno, baka naroon lang ito at nagtatago. Pero wala talaga.. Wala siyang naging choice kung hindi ang bumalik sa kanilang bahay. Sa daan ay nakita niya ang isang pamilyar na scarf, nangunot lalo ang noo niya, hindi siya sigurado kung naroon na ba talaga iyon o galing sa babaeng kanina lang ay hinahabol niya. Napalunok siya ng laway saka muling sumulyap sa gubat. Ang scarf na yun, alam niyang ibinalot iyon sa bunso niyang kapatid noong gabi bago mangyari ang trahedya. Sinuri niya ang kabuoan ng Scarf, hindi siya nagkamali, may nakaburdang pangalan ng kapatid niya sa bandang dulo noon. Malinis rin iyon at mabango, hindi naman siguro iyon 15 years ng nasa lupa lang kung ang pagbabasehan ay ang hitsura nito ngayon. Napahigpit ang hawak niya sa scarf, kung sino man ang nakakuha ng scraf na yun, sigurado siyang alam nito kung nasaan ang kapatid niya. Mas lalong lumakas ang kutob niya na buhay pa ang bunsong kapatid. Pero saan ito napunta? Kung si Aerin man ang nakatagpo niya ngayon, bakit parang galit na galit ito sa kaniya? Puwede rin namang hindi siya nito nakilala. Posible din naman iyon dahil maliit pa ito ng magkahiwalay sila..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD