KABANATA 7: PAGSUBOK SA KATATAGAN

1039 Words
Bago tuluyang bumaba ay sandaling nanatili si Aeron at Higantatay na nakatanaw sa malawak na lupaing saksi sa naging paghihirap ni Aeron. Bago siya magsimula, hanggang sa nakasanayan niya ang walang katapusang training. Kumumpas si Higantatay at dagling nahawi ang usok at makapal na ulap na noon pa may ay tumatabing na doon. Napanganga si Aeron sa nasaksihan. Mangha siyang tumingin sa katabi. "Paano mong.." Pero muli rin niyang iginala ang paningin sa noo'y puro pulang lupa at malalaking bato. Naroon pa rin ang mga iyon pero sa dulo noon ay ang isang malaking pader. Mataas na pader na inakala ni Aeron noon bilang isang dead end. Na doon na ang hangganan. Pero mali siya, isang malaki at malawak na kaharian ang nasa likod noon. Ngayon niya lang iyon nakita! Bagama't gray at tila patay ang paligid, hindi pa rin maitatanggi na nakakamanghang talaga ang nasasaksihan ng mga mata niya ngayon. Ibig sabihin, maging iyon ay itinago ni Higantatay sa kaniya! Pero bakit? Tila nasagot ang tanong niya ng sa kaniyang muling pagharap kay Higantatay ay iba na ang anyo nito. Napaatras siya sa kinatatayuan. May pakpak itong itim na itim, may maliit na sungay sa mga noo at may nakalabas na malalaking ngipin sa kaniyang bibig! Gaya siya ni Kash noong una niyang makasalamuha ang lalaki. "T-tay!" Mahinang bulalas niya. Ibinuka ni Higantatay ang kaniyang mga pakpak. "Huwag kang matakot, Aeron. Hindi lahat ng ganito ang hitsura ay masama. Isinumpa kami ni Bathala kasama ang aming mga pinuno na siyang tunay na kalabanan niya noon. Tauhan lamang kami na nadamay sa galit ng diyos. Kami ang tinatanawag na mga fallen angels. Pero nananatili kaming tahimik at nagpapakabuti na ngayon. Humiwalay kami sa mga demonyo ng sa gayon ay muli kaming patawarin at mabigyan ng tiyansang makabalik sa langit." Mahabang paliwanag ni Higantatay saka siya muling bumalik sa anyong tao. "Gusto ko ng maging totoo sa'yo ngayon, Aeron. Iyon ang tunay kong anyo. Habang tumatagal na nagpapanggap ako sa ibang anyo gaya nito ay unti-unti ring nababawasan ang kakayahan kong makalabas sa 3rd Dimensional space. Baka ito na ang huling yapak ko sa mundo ng mga tao bilang isang anyong tao. Ihahatid lamang kita doon at ituturo sa iyo ang mga bagay na kailangan mong malaman, pagkatapos ay iiwan na kita." Nanatiling tahimik si Aeron. Talagang namamangha siya sa mga nalalaman. Hindi siya makapaniwala na isang nilalang na mula pa sa langit ang nagpalaki sa kanya! Kaya pala ang wirdo kapag kasama niya ito at si Kash. Hindi siya makahuma, para siyang nasa isang palabas. Gaya ng mga fantasy na pinapanuod niya noon kasama ang pamilya. Kung noon ay nais niyang maranasan ang adventure na nakikita sa pelikula, ngayon ay parang nabigyan iyong ng katuparan, ng hindi niya namamalayan. Hanggang sa magsimula na silang maglakbay patungo sa malaking kaharian ay hindi pa rin umiimik si Aeron. "Patawarin mo ako, Aeron. Galit ka pa rin ba sa'kin?" Mahinang tanong ni Higantatay. Tumingin lang si Aeron dito, huminga ng malalim saka muling nagpokus sa paglalakad. "Hindi ko ho alam kung ano ang nararamdaman ko, Tay. Halo-halo na, e. Pagkamangha, takot, galit, pagtataka, idagdag pa yung ibang katanungan ko na hanggang ngayon ay wala pa ring kasagutan." "Nauunawaan ko, pasensiya ka na kung nabigla kita." Ng tumapat sila sa tapat ng malaking gate ay tinapik ni Higantatay ang balikat niya. "Kaya mo 'to, huwag mong kalilimutan lahat ng disiplinang itinuro ko sa'yo, ha?" Labis na nagtaka si Aeron. "B-bakit, Tay? Ano ba'ng gagawin natin dito?" "Kailangan mong dumaan sa pagsubok bago ka pahintulutan ng pinuno na makalabas ng mundo namin, Aeron. Kailangan mong patunayan ang sarili mo." Lalong dumagundong sa kaba ang dibdib niya. Ano bang klaseng pagpapatunay ang kailangan niyang gawin? Marahang bumukas ang malaking pintuan at bumungad sa kanila ang malawak na bulwagan kung saan may ilang nilalang ang nakahilera at tila naghihintay sa pagdating nila. Ng mahawi ang mga iyon ay iniluwa ang nasa gitnang nilalang na naka-upo sa animo'y trono nito, di hamak na mas nakakatakot ang hitsura nito kumpara kay Higantatay. Malaki ito at mukhang makapangyarihan. Kaagad na yumukod si Higantatay na sinundan rin naman ni Aeron. "Pinunong Amias, narito si Aeron, ang batang pinahintulutan ninyong manatili sa mundo natin, ngayon nga ay handa na siyang humarap sa tunay niyang mundo, nawa'y bigyan niyo siya muli ng pagkakataong makalabas." Nakayuko pa ring saad ni Higantatay. "Matikas, matalino, at malakas ka nga ba, Aeron?" May panghahamon sa malaking tinig ni Amias. Itinaas ni Aeron ang noo, inilabas ang kaniyang dibdib at buong tapang na nakipagtitigan kay Amias. "Hindi ko ho kayo bibiguin, pinunong Amias!" Malakas na tugon niya dito. Napangisi si Amias. "Mahusay! Simulan mo ng patunayan ang tapang mo, Aeron." Iyon lang at natagpuan na ni Aeron ang sariling nag-iisa sa gitna ng bulwagan. Madilim ang paligid at tanging nasa kaniya lang ang liwanag na hindi niya alam kung saan nagmumula. Tahimik siyang nakiramdam sa paligid. Maya-maya pa ay may itim na usok ang dumaan sa paligid niya, bumubulong... Nangunot ang noo ni Aeron, nabuhay ang galit sa dibdib niya. Muling umulit ang itim na usok at sa pagkakataong iyon ay mas malakas na ang pagkakabigkas nito ng mga katagang tila punyal na bumabaon sa dibdib ni Aeron. "Pinatay nila ang pamilya mo..." "Hindi mo sila nailigtas!" "Wala ka ng babalikan pa sa lupa! Wala ka ng pamilya, ubos na!" Ilan lamang ang mga salitang iyon sa paulit-ulit na binibigkas ng anino kasabay ang isang malutong na tawa. Galit na sumigaw si Aeron, sumuntok siya ng sumuntok sa kawalan pero walang nahahagip ang kamao niya. Gusto niyang takpan ang tainga pero pinigil niya ang sarili. Naisip niyang totoo ang sinasabi ng usok, tama iyon lahat! Masakit tanggapin pero kailangan niyang pakinggan iyon, sa gayong paraan ay mas madali niyang matatanggap ang lahat ng nangyari. "Sinunog sila ng buhay sa harapan mo pero wala kang nagawa! Wala kang kuwentang Anak! Dapat ay namatay ka na rin, magpakamatay ka na!" Inipon ni Aeron lahat ng galit sa dibdib niya, nagpupuyos ang puso niya sa labis na pagsisisi, galit, at hinanakit! "Hindi!" Malakas at mahabang sigaw niya. Halos mapatid ang litid niya sa lakas ng puwersa... "Hindi mo 'ko malilinlang, Demonyo ka!" Sinabayan niya pa iyon ng malulutong na halakhak...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD