KABANATA 6: KATOTOHANAN

1031 Words
15 years later... Mabilis na nakipag-unahan si Aeron kay Kash, balewala sa kaniya ang maliliit na batong natatapakan, sanay na ang paa niya sa mga iyon. Magaan ang katawang tinalon niya ang malalaking pagitan ng malalaking batong naroon. Parte din ng araw-araw niyang pag-eehersisyo ang pagbabalanse ng katawan sa madudulas na batong iyon. Ng makarating sa paanan nang matarik na bundok ay pinasan niya naman ang dalawang sako ng huhangin at muling tumakbo paakyat. Hindi siya gano'n kabilis pero hindi rin naman mabagal, mas mabigat pa sa timbang niya ang bitbit pero ni hindi man lang siya nakaramdam ng hingal. Ng tuluyang maka-akyat ay marahan niyang ibinaba ang dalang dalawang sako. Pero ilang sunod-sunod na patalim ang sumalubong sa kaniya ngunit mabilis niyang naiwasan ang mga iyon. Kasunod ng mga matatalas na bagay ay ang kaniyang Higantatay na tumatakbo patungo sa gawi niya. Inaasahan na iyon ni Aeron at gaano man ito kabilis na kumilos ay nagawa niya pa ring makipagtagisan ng lakas dito upang hindi siya tuluyang mailaglag pababa. Alam niyang hindi pa iyon ang buong puwersa ni Higantatay, ramdam niyang may mas ilalakas pa ito pero nagkokontrol lang. Ilang sandali pa ay tumigil na rin silang dalawa sa pagbubuno. Saka pa lamang tuluyang nakarating si Kash at nasundan si Aeron. "Mahusay! Kaunting pagsasanay pa, Anak." Tinig iyon ni Higantatay. "Para kang hindi tao, Aeron. Tinalo mo pa ako! Sa susunod talaga hindi na ako lalaban ng patas sa iyo, pinahihirapan ko lang ang sarili ko!" Hingal na bulalas ni Kash. Habol-habol nito ang hininga. "Tay, ilang taon niyo ng sinasabi na kaunting pagsasanay na lang," naiiling na saad ni Aeron. Ang totoo, naiinip na siya sa ilang taong pamamalagi sa lugar na iyon. Gustong-gusto niya ng mailigtas ang pamilya niya mula sa masasamang nilalang na kumuha sa mga ito. "Maniwala ka, Aeron. Kaunting panahon na lang." May katotohanan sa salita ni Higantatay. Pero hindi na umimik si Aeron, pumasok siya sa loob ng kwarto at nahiga. Gaya ng nakasanayan, tumitig lang siya sa bubong ng kuwarto niya hanggang sa abutin ng antok. Pero hindi pa man tuluyang lumalalim ang tulog ay napanaginipan niyang muli ang pamilya, ang mga magulang at kapatid. Pero sa pagkakataong yun ay ang katotohanan na ang nakita niya. Ang binurang alaala ni Higantatay noong siya ay maliit pa. Malakas na napasigaw si Aeron, butil-butil ang pawis niya, ang dibdib niya ay patuloy na nilalamon ng hindi maipaliwanag na takot! "S-sinunog... sinunog sila!" Malakas na sambit niya sa kaniyang isip. Pero umiling siya. Naguguluhan siya, ano ba talaga ang nangyari? Bakit siya nanaginip ng ganoon kasama?! Pero teka, parang hindi iyon basta panaginip lang.. Para iyong... totoong nangyari! "Tama ka, Aeron. Hindi iyon panaginip. Iyon ang katotohanan!" Napaigtad pa siya ng marinig ang tinig na iyon ni Higantatay. Nasa pintuan na pala ito at nakamasid lang sa kaniya. "A-nong ibig mong sabihin?" Kinakabahang tanong niya. "Tinanggal ko ang masasamang alaala mo noon at pinalitan iyon ng magaganda. Sa gayong paraan, alam kong lalaki kang matapang at matalino. Patawarin mo ako kung kinailangan kong maglihim sa iyo, para rin naman sa iyo ang ginawa ko." Parang binuhusan nang malamig na tubig si Aeron sa narinig. Hindi siya nakakibo. Hindi niya alam kung ano ang dapat na maramdaman. "Ngayon ay mas mauunawaan mo na ang lahat. Ngayon na nalaman mo na rin ang totoo, oras na para ipakita ko sa'yo ang tunay na mundong kinabibilangan mo, Aeron." "Pinalitan mo yung alaala ko, tapos ngayon may tunay na mundo pang kinabibilangan ko? Binabaliw mo na ba talaga ako, Tay? Ano ba 'to, ano ba talaga ang nangyayari? Nasaan ako? Sino ako? Sino kayo?" Nagugulimihanang tanong ni Aeron. "Bukas na bukas, malalaman mo ang lahat ng kasagutan sa mga tanong mo." "Bakit bukas pa? Bakit hindi pa ngayon? Sa tingin mo ba sa mga nalaman ko, makakatulog pa ako nang maayos? Kaya pala sobrang bigat ng pakiramdam ko, kaya pala ni hindi ko makuhang ngumiti man lang. Akala ko ako lang talaga ang may problema, pero hindi.. May kung ano pala kayong pilit na tinanggal sa memorya ko. Kinontrol niyo ang buhay ko, Tay. Maging ang isip ko." Malungkot na pahayag ni Aeron. Napayuko si Higantatay. Tama naman si Aeron, pero iyon lang ang tanging paraang alam niya para mabawasan ang trauma at pighating nararamdaman nito noong ito ay musmos pa lamang. Kailangan nitong maging malakas at malimutan ang trahedyang sinapit ng kaniyang pamilya. Paraan iyon upang makapagpokus siya sa kaniyang training at maging handa sa pagbabalik nito sa mundong kinabibilangan niya. "Patawarin mo 'ko, Aeron. Alam ko na mauunawaan mo ang lahat pagdating ng tamang araw." Hindi na kumibo si Aeron. Nag-iwas siya ng tingin at tinalikuran si Higantatay. Napakaraming tanong sa kaniyang isip. Ang daming gumugulo doon kasama na ang ilang alaala na kasalukuyan pa ring bumabalik sa isip niya. Gusto niyang iuntog ang ulo sa bato, sa tuwing maiisip ang trahedyang akala niya ay panaginip lang, hindi niya mapigilang umiyak sa labis na pighating nararamdaman. Tila nagkaroon ng pangalan ang mabigat na bagay na pinapasan niya simula pa noon. Sa loob ng mahabang panahon, pinigil niya ang sarili kahit maluha man lang. Ngayon ay walang pasabing kusa na lang tumutulo ang mainit-init pang likido sa magkabilaan niyang mga mata. Hindi niya alam kung paano magtitiwala sa iba, maging ang taong inakala niyang totoo sa kaniya ay niloloko lang pala siya sa napakahabang panahon. Hindi niya iyon maunawaan. Hindi na nga nakatulog pa si Aeron. Kinabukasan ay inabutan na siya ni Higantatay sa kusina habang umiinom ng mainit na tubig. Hindi sila nagpansinan, normal naman sa kanila ang pananahimik pero iba ang umagang iyon. Talagang walang balak si Aeron na kausapin pa ito.. "Magpalit ka ng kasuotan, naroon ang dapat mong isuot." Itinuro ni Higantatay ang tila lalagyan na nakasabit sa dingding. Sinundan naman iyon ng tingin ni Aeron, dagli siyang tumayo at sinuri kung anong klaseng kasuotan ang mga iyon. Napakunot ang noo niya, pamilyar ang ganoong kasuotan sa kaniya. Tama, nakita niya iyon na suot ng mga magulang sa panaginip. Sinilip niya ang tanging bahag na humaharang sa gitnang parte ng katawan niya, tunay na malayo ang hitsura noon sa magagarang kasuotan na hawak niya ngayon...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD