KABANATA 5: KASH!

1044 Words
Madilim-madilim pa ng bumangon ai Aeron kinabukasan. Hinanap niya si Higantatay pero wala ito sa paligid kaya nagpasya na siyang lumabas na ng silid. Hindi niya alam ang daan palabas, medyo madilim pa pero aninag niya na ang daanan kung saan may kaunting siwang ng liwanag siyang natatanaw. Marahan siyang naglakad patungo doon. Ng tuluyang makalapit ay napagtanto niyang pintuan nga iyon, pero hindi gaya ng karaniwang pintuan na alam niya. Para itong matigas na putik at walang hawakan para mabuksan. Sinubukan niyang itulak iyon pero hindi kaya ng musmos niyang katawan ang bigat at puwersang kailangan para tuluyan iyong mabuksan. Sa pagod ay napaupo na lang siya sa tapat noon at malungkot na pinagmasdan ang pintuan. Ilang sandali pa ay marahan iyong bumukas, lumiwanag ang mukha ni Aeron. Pero nagulat siya ng isang 'di pangkaraniwang nilalang ang sumilip mula sa labas. Nanlaki ang mga mata niya. May dalawang maliliit na sungay ang mga itong sa noo, malalaki ang mata at may nakausling dalawang ngipin sa kaniyang bibig. Maging ito ay mukhang nagulat ng makita siya. Napaatras si Aeron. Bumangong ang kakaibang kaba sa dibdib niya, hindi pa siya nakakita ng ganoong nilalang kahit minsan. Ng tila makahuma ang nilalang ay mas nilakihan pa nito ang bukas ng pintuan at ngumiti sa kaniya. Gaya ni Aeron ay maliit lang rin ito at mukhang bata, ang pinagkaiba lang nila ay hitsura. Pagapang na umatras si Aeron ng makita na papalapit sa kaniya ang nilalang. "H-huwag kang lalapit sa akin!" Malakas na sigaw niya. Ang mga mata ng nilalang ay lalo pang nanlaki ng marinig ang boses niya. Bumuka ang bibig nito at tila may sinasabing kung ano. Hindi iyon maintindihan ni Aeron. Patalon siyang nilapitan ng nilalang at tuluyang kumubabaw sa kaniya. Tuluyan ng napaiyak sa takot si Aeron habang tinutulak ang nilalang. Sinubukan siyang suriin nito, tiningnan ang loob ng bibig niya, ang mata niya at hinawakan ang noo. Tila nagtataka kung bakit wala siya ng mga mayroon ito. "Kash!" Malakas na tinig ng isang lalaki. Napatalon muli ang nilalang ng marinig ang boses na iyon at mabilis na umalis sa ibabaw ni Aeron. Nakahinga ng maluwag si Aeron ng makitang si Higantatay ang dumating. May kung anong litanya itong binigkas na animo'y pinagagalitan ang nilalang na nasa tabi niya lang ngayon ay nakayukong nakikinig kay Higantatay. Maya-maya pa ay tumayo na ito, malungkot na lumingon kay Aeron saka naglakad palabas. "Pasensiya ka na kay Kash, Aeron, ha? Gano'n lang yun pero mabait namang bata yun." Tila balewalang saad nito sa kaniya. "B-bata? Bata din po siya katulad ko? Bakit ganon ang.." Natigilan si Higantatay. Oo nga pala! Bakit niya nakalimutang mortal si Aeron? Gusto niyang tapikin ang noo. Mabuti na lang at kanina niya pa nagawang palitan ang anyo niya. "Ah- ano.." natawa siya nang bahagya. Hindi niya alam kung paano palulusutan ang sitwasyon. "Di ba yung mga may sungay bad?" Tanong ulit ni Aeron. Nalungkot si Higantatay sa narinig. Kung sabagay, hindi niya na magagawang baguhin ang paniniwala ng mga mortal. Ano bang pinagkaiba ng hitsura nila sa mga tunay na demonyong pakalat-kalat sa mundo ng mga tao? Siguro dahil pinili nilang maging nilalang na nagmamasid lang doon. Mga nilalang na pinaparatangan namang gumagawa rin ng masama sa mga tao kahit hindi naman totoo. Pakana rin lahat iyon ng mga pinunong tinalikuran na nila noon pa at nanatiling tahimik. Upang imbis na sa mga demonyo matuon ang atensyon ng mga tao kapag may nangyayaring hindi maganda ay sa kagaya niyang kapre, sa mga nuno at tikbalang iyon isisisi. "Aeron, hindi lahat ng may sungay ay masama," mahinahong paliwanag ni Higantatay. "Yung kalabaw, yung usa, yung kambing, 'di ba may mga sungay din naman sila? Pero hindi sila bad." "E, hayop naman po yun." "Gano'n din sa tao, Anak. Hindi lahat ng taong may sungay, masama." "Po? Pero hindi po normal na may sungay ang isang bata." Napabuntong-hininga si Higantatay. Gaya ni Kash, matanong at puno rin ng kuryusidad si Aeron. "Ganito na lang, lahat ng makikita mong may sungay sa lugar na ito ay hindi masasama, okey? Gano'n lang ang hitsura nila kasi... kasi" Pero hindi na itinuloy ni Higantatay ang nais sabihin. Baka lalo lang hindi maubos ang itatanong ni Aeron 'pag nagkataon. Matamang nakikinig si Aeron. Naghihintay ng kasunod niya pang sasabihin. "O, pano? Gusto mo na ba muna kumain? May dala akong tinapay at gatas." Itinaas pa nito ang malaking bag na dala-dala. "Ho? Pero.." Mabilis nang naglakad si Higantatay patungo sa lamesa at inilatag ang dalang pagkain. "Bilisan mo at magsisimula na tayo sa ehersisyo upang maging matapang ka at malakas." Sa narinig ay dagling nawala sa isip ni Aeron ang mga katanungang nakahanay sa isip niya. Sa halip ay mabilis siyang lumapit sa lamesa at sinimulan ang kaniyang almusal. "Nakapagpahinga ka na ba?" Tanong ni Higantatay matapos ang ilang minutong pagkain. Tumango ng sunod-sunod si Aeron at seryoson tumango. "Sige, ganito. Lalabas na tayo. Pero ipapaalala ko ulit sayo na kung ano man ang makita mo, lahat sila ay mabubuti. Walang masama dito na gagawan ka ng hindi maganda." "Marami po bang kagaya nung bata kanina doon sa labas? Nasaan po ba talaga ako?" "Wala naman, may ilan kasing umaakyat dito sa bahay ko para pasyalan ako. Baka lang matiyempuhan mo sila." Nakangiting paliwanag ni Higantatay. Hindi na kumibo pa si Aeron. Sumunod na rin siya ng magsimulang maglakad palabas ang kasama. Halos matulala ang bata ng sa kaniyang paglabas ay kakaibang kapaligiran ang nabungaran. Matataas ang mga punong may kakaibang mga dahon. Hindi iyon kulay berde kung hindi kulay pula. Maraming malalaking bato ang nagkalat sa ibaba ng kinatatayuan niya, kulay pula din ang lupa at walang ulap na kulay asul, mamula-mula ang ulap na nakikita niya at balot ng manipis na usok ang paligid. Gayunpaman, maaliwalas iyong pagmasdan, walang mga istraktura o maraming tao. Napagtanto ni Aeron na mataas ang lugar na kinaroroonan niya dahil tanaw mula doon ang kabuoan ng lugar. Tila walang katapusan o hangganan ang tanawing naaabot ng mga mata niya. "Sabihin niyo po, nasa planetang Mars na po ba ako?" Manghang tanong ni Aeron. Kung paano nalaman ni Aeron ang tungkol sa Planetang Mars sa musmos nitong edad, walang ideya si Higantatay. Ang alam niya lang, sadyang matalinong bata talaga ito...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD