KABANATA 19: ASARAN

1061 Words
"Tay naman, kasasabi mo lang Cerestina, e." "C-cerestina, hindi ba yun ang pangalan nung babaeng nakabili ng lupain ninyo?" Napabuga ng hangin si Aeron. Palibhasa hindi niya makita ang mukha nito kaya diskumpyado siya kung nagsasabi ba ito ng totoo. "Tay, Tina lang po ang pakilala niya sa akin." Mahinang humagikgik si Higantatay. "Tina lang ba? Akala ko kasi Cerestina." "Sa'n naman galing yung Cerestina, Tay?" "Wala, naisip ko lang. B-baka yun ang pagkakarinig ko." "Hah? Posible bang hindi ka sigurado sa narinig mo, Tay? Ang ibig kong sabihin, sa lahat ng narito, ikaw pa?" "Aba, bakit? Porket ba nilalang ako at may kakayahang magpalit ng anyo at makapagkubli sa mga mortal e, hindi na ako puwedeng magkamali?" Napakibit-balikat si Aeron. Sabagay, may punto nga naman ito. Pero diskumpyado pa rin talaga siya. Gayunpaman ay binalewala niya na lang ang tungkop sa bagay na yun, napabuntong-hininga na lang siya saka sumulyap sa ibaba ng puno. "Hindi ko akalain na may mabuti rin pa lang tao, bukod pa roon ay maganda siya." Ang laki ng pagkakangiti ni Aeron habang nakatitig sa nakatalikod na pigura ni Tina. Nakikipag-usap ito sa isang lalaki at parang may pinapaliwanag na dapat gawin. "Anak, baka nakakalimutan mong tao ka rin at mabuti rin naman ang puso mo, hindi ba?" "Ang ibig kong sabihin, Tay, sila.. yung mga taong nasa mundong 'to. Sila na inosente sa itinatagong mukha ng ilang nakakasalamuha nila. Sa tunay na problema." "Iba-iba ang dahilan kung bakit nagkakaroon sila ng kakambal na kasamaan, Aeron. Nasisiguro ko na balang araw ay malalaman mo ang mga iyon at mauunawaan. Ang hiling ko lang, sana ay maging matalino ka sa pagdedesisyon." "Tay, ilang ulit ko ng narinig ang pangaral na iyan," itinuro pa ni Aeron ang kaniyang sintido at dibdib. "Nakatatak na 'yan dito sa isip at puso ko, Tay. Saulong-saulo ko na." "Hindi mo lang siya dapat sinasaulo, Anak. Pagdating ng oras, kailangan mo na siyang gamitin at isabuhay." Kiming nagpakawala ng ngiti si Aeron sa hangin subalit hindi na siya tumugon. Pakiramdam niya ay hindi naman gano'n kahirap sundin iyon lalo pa nga at iyon din naman talaga ang paninindigan niya. Hindi alam ni Aeron kung gaano katagal na siyang nananatili sa itaas ng puno, basta ang alam niya ay nahimbing siya nang hindi sinasadya at nagising sa malamig na simoy ng hangin. Tila mamasa-masa din iyon habang patuloy na dumadampi sa kaniyang balat. Sumilip siya sa siwang ng makakapal na dahon, madilim ang kaulapan. Maya-maya nga lang ay pumatak na ang malalaking butil ng tubig. "Tay, hindi ka rin ba mababasa diyan?" Mahinang tanong ni Aeron sa hangin. "Nababasa, hindi mo lang naman ako nakikita, pero narito pa rin ako." "Hindi ka ba sisilong, Tay?" "Ang totoo, papunta na 'ko sa lagusan. Gusto mo bang sumama?" "Ah-" "Hoy, anong ginagawa mo diyan? Lumalakas na ang ulan. Hindi ka pa ba sisilong?" Si Tina iyon habang naniningkit ang mga matang nakatingala kay Aeron. May hawak siyang payong na pamproteksiyon sa ulan. "Ah- bababa na rin." Malakas na sigaw naman ni Aeron. "Tay, baka dun muna ako mag-stay sa bahay." May himig ng excitement na usal niya pa. Pero wala na siyang narinig na tugon mula kay Higantatay. "Tay, nariyan ka pa ba?" Halos pabulong na tanong niya ulit. Pero katahimikan ang tumugon sa kaniya. "Ano na? Basang-basa ka na!" Iritableng sigaw ni Tina. "Walang nagawa si Aeron kung hindi ang tumalon mula sa kinauupuan niya pababa. Nanlaki ang mga mata ni Tina sa pagkagulat, napasinghap pa ito ng makita ang pagkakabagsak niya. Halos bumakat na kasi ang kabuoan niya sa putik. Dagli siyang dinaluhan ni Tina, wala sa sariling nabitiwan nito ang hawak na payong at nagmamadaling lumapit sa kaniya. Ng tuluyan siyang maiangat ng babae mula sa putik ay nagkunwari pa siyang walang malay-tao. "Oh, God! Bakit ka ba kasi tumalon!" Mahinang saad ni Tina. Ramdam ni Aeron ang panginginig ng mga kamay nito habang nililinis ang mukha niya. Maya-maya pa ay isang malakas na sampal ang pinakawalan nito sa kaniyang pisngi. Napamulagat si Aeron at napamaang, kusa din siyang napahawak sa masakit na pisngi. Hindi niya inaasahan ang magiging reaksyon na iyon ng babae. "Aray! Masakit yun, ha?" "Buhay ka!" Masayang bulalas ni Tina. Pati mata nito ay tila nagniningning sa labis na tuwa. Pero muli siyang hinampas nito sa balikat. "Baliw ka ba? Bakit ka tumalon? Ang taas-taas nun, hindi mo ba nakita?" Takang napahawak nanaman si Aeron sa parteng hinampas nito. "Teka, nalaglag na nga ako sinasaktan mo pa 'ko?" Pero tinaasan lang siya nito ng kilay saka nagmamadaling tumayo at dinampot ang nabitawang payong. "Tumayo ka na!" Inis na angil pa nito saka siya tuluyang iniwanan doon. Lihim na napangiti si Aeron. Natutuwa siya sa cute na mukha ng babae habang nagagalit. Tila ang sarap nitong asarin. Yun nga lang, biglang nananakit. 'Di kaya mabugbog ang katawan niya kung palagi niya iyong gagawin? Dagli naman siyang tumayo at nagtungo sa bukas na pintuan ng bahay, noong una ay sumilip lang siya sa loob, pero ng walang makitang tao ay dumeretso na siya sa kwartong tinutulugan niya. Kampante siya dahil sinabi rin naman ni Tina na kunin niya lang kung ano ang nais niya doon. Subalit gayun na lamang ang pagkamangha niya ng abutang nagtatanggal ng basang damit si Tina sa mismong kwarto na iyon. Hindi siya nakaiwas kaagad ng paningin, sa halip ay napalunok siya ng laway at tila naestatwa sa kinatatayuan. Sino ba naman ang hindi mamamangha? Makinis ang balat ni Tina, makurba ang balakang na kung mas bababaan mo pa ang tingin ay ang malamang pang-upo naman nito ang makikita. Palibhasa basa rin ang manipis nitong slacks kaya tanaw ang pa-v shape na suot nitong pangloob. Pakiramdam ni Aeron may nabuhay na kung anong init sa kaniyang kaibuturan. Napaigtad pa siya ng mabilis itong humarap sa kaniya, nakatakip ang dalawang kamay nito sa dibdib at dahan-dahang lumalapit sa kanya. Hindi alam ni Aeron kung lalayo siya o iiwas na, pero huli na, nakita na siya nitong tulala habang nakamasid sa kabuoan ng katawan nito. "Can you unhook my b*a?" Malambing na tanong ni Tina. "H-ha?" Tanong ni Aeron, pakiwari niya ay sandali siyang nabingi. Pero inilapit pa ni Tina ang mukha sa kaniya. Malapit na malapit at halos ramdam at amoy na ni Aeron ang mainit at mabangong hininga nito. "Sabi ko, pakitanggal ang pagkaka-hook ng b*a ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD