Hindi maunawaan ni Aeron pero biglang nanginig ang mga kamay niya. Sandali niyang pinigil ang paghinga at nakipagtitigan kay Tina.
Ano bang ginagawa niya? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit kanina lang ay nilalamig ako tapos ngayon, parang biglang sinilaban ang katawan ko?
Ilan lamang ang mga ito sa katanungang nanatili sa kaniyang isip. Ng kusang tumigas ang gitnang parte ng kaniyang katawan ay lalong nataranta si Aeron. Hindi pamilyar sa kaniya ang ganitong karanasan kaya wala sa sariling napayuko siya ng tingin sa alaga na agad namang sinundan din ng tingin ni Tina.
"Ang aga mo naman magtayo ng tent." Nakangising saad ni Tina sa kaniya.
"T-te-tent?" Ngatal ang boses na balik-tanong ni Aeron.
Isang malaking ngiti hanggang sa naging malulutong na tawa na ang pinakawalan ni Tina saka ito tuluyang lumayo sa kanya. Hindi man maunawaan ay walang magawa si Aeron kung hindi ang panuorin ang dalaga habang namumula na ang mukha sa labis na pagtawa.
"Seryoso ka, Aeron? Hindi mo alam ang sinasabi ko?" Anang dalaga sa pagitan ng pagtawa at pagpupunas ng butil butil na luhang lumabas sa kaniyang mga mata. Maya-maya'y kusa itong natigilan at manghang tumitig kay Aeron.
"Teka, inosente ka pa ba, ha?"
Muling nataranta si Aeron sa naging tanong ng kaharap. Ano pa nga ba? Kailangan niya bang magpakatotoo dito? Paano ba naman kasi, pakiwari niya ay musmos lamang siyang dinala ni Higantatay sa mundong ito, limang taon lamang siya noong huli niyang alaala at hindi na iyon ginawang dagdagan pa kahit noong mga panahong nasa Spiritual World siya.
"A-ako? Hindi no! Ano... nataranta lang ako kasi... kasi ang ganda mo," sinadya niya pang hinaan ang huling mga kataga dulot ng hiya. Sa huli ay mas nanaig sa kanya ang pride at ego bilang lalaki.
Nangingiting lumabi si Tina
"Totoo, attracted ka sakin?"
Nahihiyang nagyuko ng ulo si Aeron. Ok na rin yun kaysa naman malaman nito na wala pa siyang karanasan. Mas nakakahiya yun para sa kanya. Lalabas siyang katawa-tawa sa harapan nito.
"Normal lang naman yun, lalaki ka at babae ako. Ang cute mo nga kahit puro putik yang mukha mo, kitang-kita ko yung pamumula ng pisngi mo." Walang prenong usal pa ng dalaga.
"Sige na, mauna ka na maglinis ng katawan mo." Nakangiting dagdag pa nito sa kaniya.
Mabilis na tumalima si Aeron. "Salamat."
Dagli siyang nagtungo sa palikuran kung saan may poso ng tubig. Doon niya nilinis ang sarili habang nag-iisip. Muling nanumbalik ang kakaibang damdaming tanging kay Tina niya lamang unang nadama.
Napatingin siya muli sa alaga. Medyo matigas pa rin ito. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit parang nakikisali pa ito sa init ng nararamdaman niya. Tuloy ay nahalata siya na walang alam. Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Aeron, kung bakit naman kasi hindi siya tinuruan ni Higantatay!
Lingid sa kaalaman ni Aeron, mataman siyang pinagmamasdan ni Cerestina mula sa loob ng bahay. Oo, sa ibang bansa siya nagtapos ng kurso. Sa bansang liberated ang karamihan ng kaedaran niya. Sa kanila niya rin nalaman at natutuhan ang mga paraan upang akitin ang isang lalaki, isang bagay na ni minsan ay hindi niya pa sinusubukang gawin dahil nahihiya siya. Pero kanina lang ay kumpyansa niya iyong sinubukan kay Aeron.
Hindi niya rin maunawaan ang sarili pero ang gaan ng pakiramdam niya sa binata, parang kahit kanina lang naman sila nagkakilala, tila matagal niya na itong nakakasama. Tiwala siya na hindi siya nito papatulan kahit pa maghubad siya sa harapan nito. Imposible pero iyon talaga ang nararamdaman niya. Nasa mga mata kasi ni Aeron ang sinseridad, kabutihan at kainosentehan sa mga bagay-bagay.
May kung anong misteryo sa pagkatao niya, yun ang nasisiguro ni Tina. Para itong isang natatanging halaman na kailangan niyang pag-aralan, suriin at higit sa lahat ay protektahan laban sa mga nais na umabuso dito.
Kiming napangiti si Tina ng muling matanaw ang pagsulyap ni Aeron sa sariling alaga. Para bang hindi nito nauunawaan kung bakit iyon tumatayo ng kusa at parang nais lumaban ng bakbakan. Sa ganoong senaryo tuluyang iniwan ni Cerestina ang bintana. Nilalamig na siya dahil hindi pa rin siya nagpapalit ng suot na slacks. Napagpasyahan niyang magpalit na lang, hindi naman siya marumi.
Muli siyang pumasok sa loob ng kwarto ni Aeron at namili ng pambahay na damit sa kanyang maleta. Hiling niya ay doon na manatili ang binata upang may kasama naman siya. Kampante naman ang loob niya na safe siya kapag ito ang kasama.
Binalot niya muna ng tuwalya ang katawan bago tuluyang tinanggal ang mga saplot sa katawan. Nagpunas at saka nasuot ng underwear. Pag-ikot niya upang kuhain ang lotion ay nakita niya si Aeron sa pinto, matamang nakamasid sa kaniya.
"Oh, nandiyan ka na pala. Doon ko nilagay ang mga damit mo." Kinabahan man ng bahagya ay hindi nagpahalata si Tina.
Dagling nag-iwas ng tingin si Aeron at tahimik na tinungo ang tinuturong cabinet ni Tina. Kumuha siya ng ilang malinis na damit, short at panloob na kasuotan sa mga binili niya kahapon bago walang lingon-likod na lumabas ng silid.
Sa kusina niya na naisipang magpalit bago isinampay sa labas ang basa niyang mga gamit. Pilit niyang pinakakalma ang nagwawala niyang damdamin gayundin ang sariling alaga, tila may nais kasi iyong gawin na hindi niya naman alam kung ano..
"Aeron, kukuha ako ng pagkain sa groceries mo, ha? Iluluto ko tapos sabay na tayong kumain."
Nagulat pa si Aeron sa biglang pagsulpot ni Tina sa kaniyang likuran. Amoy niya ang mabangong halimuyak ng dalaga. Muli siyang napalunok ng laway saka dahan-dahang humarap dito.
"S-sige, kuha ka lang doon." Aniya habang hindi makatitig sa mga mata ng kausap. Bagay na huwag daw niyang gagawin sabi ni Higantatay. Kailangan ay palagi lang siyang kampante na makipag-usap sa kahit sino. Pero iba si Tina, parang nabaligtad ang lahat. Ito yata ang makakabasa ng damdamin niya kung tititig siya sa mga mata nito.
"Okey! Sabayan mo 'ko kumain ha?" Nakangiting dagdag pa ng dalaga. Tila lalong lumitaw ang ganda nito dahil sa pagkamalugay ng kaniyang buhok.
"Oo naman." Pilit na ngumiti si Aeron. Hindi siya kumportable sa kakaibang t***k ng puso.
Pero lalo lamang iyong bumilis ng hawakan ni Tina ang kamay niya at hilahin siya sa kung saan.
"Halika, tulungan mo pala akong magluto."