KABANATA 21: INOSENTE

1054 Words
Matapos kumain ay naisipang lumabas sandali ni Aeron, nagtungo siya sa malaking puno at sinugurong walang nakasunod sa kanya. Madilim na rin at may kaunting hamog ang malamig na simoy ng hangin. Bago tuluyang pumasok sa loob ng lagusan ay pinuno niya muna ng hangin ang kaniyang dibdib. "Tay," tawag ni Aeron ng makitang walang sino man doon. "Narito ka ba?" Pero walang tugon. Sa halip na muling lumabas ay nagpasya siyang maghintay. Gusto niya sanang bumalik sa Spiritual world pero nagdadalawang-isip siya. Sigurado namang babalik si Higantatay doon gaya ng sabi nito na babantayan ang lagusan. Pero ilang oras na ang lumipas ay wala pa ring bumabalik. Ihinilig ni Aeron ang ulo sa maliit na lamesa, doon ay hindi niya nanaman namalayan ang pagsakop sa kaniya ng matinding antok. Mahihinang tapik sa balikat ang gumising sa diwa ni Aeron. "Anak, anong ginagawa mo rito?" Tinig iyon ni Higantatay. Marahang nagmulat ng mga mata si Aeron at pupungas-pungas na tumingin sa lalaki. Masakit ang likod at leeg niya. Gaano katagal ba siyang nakayukyok doon? "Andiyan ka na pala, Tay. Kanina pa kita-" ngunit natigilan siya ng mapansing maliwanag na sa labas. Nanlaki ang mga mata niya. "Umaga na?" "Kanina pa, alas otso na sa mundo niyo, Aeron. Bakit mo nga pala ako hinihintay? Hindi ka ba sa bahay niyo natulog?" Takang tanong ng matanda. Doon lang din muling sumagi sa isip ni Aeron ang tunay na dahilan kung bakit siya nagtungo doon. "Tay, ano kasi.. ganito yan," sandaling natigilan si Aeron, hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa kaharap ang kakaibang damdamin na nararamdaman tuwing kasama niya si Tina. Nanatili namang nakatingin lang si Higantatay sa kanya at naghihintay ng kasunod niyang sasabihin. "Ano.. may kakaiba kasi akong kaba tuwing kaharap ko si Tina." "Kaba?" Nakataas ang isang kilay na tanong ni Higantatay. "A-ang ibig kong sabihin, hindi naman siya yung kaba na nakakatakot, parang... parang masarap sa pakiramdam, tay! Parang ayoko na ngang alisin yung tingin ko sa kanya. Tapos-" tinitigan niya muna si Higantatay, nasa mata niya ang inis at pagtatanong. "Teka sandali, ba't ganyan ka naman tumingin? May nasabi ba akong mali?" "Wala naman, Tay. Ano kasi, may mga bagay sa mundong ito, hindi lang isa kung hindi napakarami kong hindi alam." "Gaya ng ano?" Napabuntong-hininga si Aeron, iisa-isahin niya pa ba? "Tay, ang dami! Gaya kahapon, bigla na lang tumayo 'to!" Aniya saka itinuro ang gitnang bahagi ng katawan. Napangisi si Higantatay. "Yun lang ba?" Sa inis ay napatayo si Aeron, wala sa sariling nagpabalik-balik siya sa harapan ni Higantatay. "Tay, bago mo naman ako pagtawanan, puwede bang ipaliwanag mo sa akin kung bakit biglang nangyari yun? Ang sabi mo noon, normal lang na magkaganoon sa umaga, e hapon na kahapon nung tumigas siya bigla, at hindi lang basta matigas, sumasakit din itong ibabang bahagi ng tiyan ko, parang may gustong kumawala. Normal ba yun?" Halatang pigil ang mga tawa ni Higantatay habang nakikinig sa kaniya. "Sandali, ano ba kasing ginagawa mo kahapon bago 'yan tumigas?" "Hah?" Nahihiyang nagyuko ng ulo si Aeron. Kailangan pa bang sabihin iyon? "Huy, sabihin mo sa akin para malaman ko kung normal ba o hindi." "Kailangan pa ba yun, Tay? Konektado ba yun sa nakikita ko?" "Aba, Oo naman!" Napabuga ng hangin si Aeron. Wala naman sigurong masama kung aaminin niya ang nangyari kahapon. Baka nga makakatulong iyon sa kanya. Ng sariwain ang kaganapan sa pagitan nila ni Tina ay kakaibang sensasyon nanaman ang nagsimulang bumangon sa kaniyang dibdib. "S-si Tina. Nagpatanggal ng.. ng b*a niya kahapon mula sa likod. Tapos.... nilapit niya yung mukha niya sa akin, ayun na, doon na nagsimulang tumigas ang..." napatigil siyang muli sa pagsasalita ng mapansing kakaiba na ang mukha ni Higantatay. "Tay!" Inis na tawag niya dito. Doon lang ito tumawa nang malakas habang nananatili ang pagtataka sa mukha ni Aeron. May ilang minuto ring tawa nang tawa ang kaharap. "Binata ka na talaga, Aeron." Putol-putol na tugon nito sa pagitan ng 'di mapigil na pagtawa. Inis na tinalikuran ni Aeron ang kausap. "Dadalhin niyo ako sa mundong ito na parang sanggol sa kainosentihan pagkatapos ay pagtatawanan niyo lang. Hindi 'yan patas at makatarungan, Tay." Doob lang tumigil si Higantatay. Lumapit ito sa kaniya at saka siya inakbayan. "Pagpasensiyahan mo na ang Tatay, Anak. Hindi ko lang mapigilan ang sarili kong matawa. Ang totoo niyan, bilib ako sa'yo, dahil hanggang ngayon, nagpapakatotoo ka sa akin. Iyan ang isang bagay 'yan na ayaw kong mawala sa'yo kaya hinayaan kong maging inosente ka sa mundong ito. Kahit gaano kasama ang huling alaala mo, naniniwala ako na may kabutihang nananahan diyan sa puso mo. Hindi iyon dapat mawala, Anak. Si bathala ang lumalaban para sa mga taong may mabubuting puso. Matutunan mo man ang tunay na mukha ng mundo, naroroon na ang pagiging mabuting tao mo, hindi ka na madadala ng kahit anong masasama." "Nauunawaan ko lahat iyan, Tay. At salamat sa mabuting hangarin niyo. Pero sana naman turuan niyo ako kahit simpleng bagay. Nagmumukha akong katatawanan sa harap ng ibang tao kapag may mga bagay na hindi ko nauunawaan." "Gaya ba nung biglang pagtayo ng sundalo mo?" Makahulugang tumingin si Aeron sa katabi. Nagpakawala ng hangin si Higantatay at magiliw na hinarap si Aeron. "Anak, normal lang yun. Wala kang dapat ipag-alala. Kapag nakaharap ka ng isang babae at naa-attract ka sa katawan niya, ibig sabihin ay lalaki ka talaga." Kunot-noong umiling si Aeron. "Hindi ko pa rin maintindihan, Tay." "Mahirap talagang ipaliwanag ang ganyang bagay lalo at wala ka pang karanasan sa pakikipagtalik. Hayaan mo, malalaman mo rin 'yan balang araw.." tinapik-tapik pa nito ang balikat niya. "P-pakikipagtalik, Tay? Ano yun?" Napakamot na lamang sa kaniyang ulo si Higantatay. Sa dami ng dapat itanong, kung bakit ang ganitong usapan pa ang naisipang buksan ni Aeron. "Anak, malalaman mo rin kung ano iyon. Sa ngayon, wala kang dapat ikabahala. Normal ang nararamdaman mo." Inis na naupo si Aeron sa bangko. Parang walang saysay ang naging usapan nila. Naroon pa rin ang mga tanong niya na walang kasagutan. "Ikaw mismo ang makakasagot niyan sa iyong sarili, Anak." Napakibit-balikat na lang si Aeron at nagpasya ng lumabas. Subalit hindi pa man siya nakakalapit sa salamin ay natanaw niya na si Tina. Tila humahangos ito sa paglalakad patungo sa gawi ng puno habang sa likuran niya ay may nakasunod na isang lalaki...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD