KABANATA 22: MARAHAS

2036 Words
"What were you thinking, Dad? Bakit mo pa isinama si Ezekiel dito? Ano nanamang plano niyo, huh?" Galit na tanong ni Tina sa kaniyang ama. "Iha, Ezekiel is my business partner, natural lang na kasama ko siya dito. Please, understand." "Pero wala naman kayong business dito, Dad. Ano bang inaasahan mo, na papayag ako sa nais mo?" "Hindi ka ba naaawa sa kalagayan ng kumpanya natin, Cerestina? Kung sabagay, ang negosyo lang naman na ito ang bumuhay sayo at nakapagpatapos ng pag-aaral mo sa ibang bansa, 'di ba?" "We both know na hindi totoo yan, Dad. Kung kaya ko lang buhayin ang sarili ko noong maliit pa ako, hindi ako aasa sa pera ng kumpanya niyo. I worked and studied abroad, ni singko ay hindi ako nanghingi sa inyo. Alam mo yan, Dad." "Kaya ba ganyan na lang katigas ang puso mo sa akin? Isang puno lang, ito lang ang hinihingi ko sa'yo, Cerestina." Sabay turo sa punong nasa likuran niya. Pero mariing umiling si Cerestina. "No, Dad. Not this tree o kahit anong puno sa bakuran na ito. Hindi ako papayag na sirain niyo ang napakahalagang likas-yaman na ito para lang sa pansarili niyong layunin." Sukat doon ay hinawakan siya nang mariin sa braso ng ama. "Stop it, Cerestina. Naki-usap ako sayo nang maayos. Pero hindi mo ako maaaring ipahiya sa kahit sino. Nakausap ko lahat ng pinagkakautangan ko and they both agree na maghahati sa punong ito upang muling suportahan ang papaluging negosyo. Wala namang magiging epekto sayo kung matatanggal ito dito. In fact, makakatulong pa nga na mapatayuan mo ng building ang malaking area na malilinis. Kaya we will cut this tree down, with or without your permission. I'm your dad, remember?" Galit na nakipagtitigan si Cerestina sa ama. "You can't do this to me, Dad. Pag-aari ko ang lupaing ito. Akin 'to at hindi sayo. Wala kang karapatan na pakialaman ang lahat ng narito, wala!" Bulyaw niya habang pilit na nilalabanan ang mahigpit na pagkakahawak sa kaniyang braso. Pakiramdam niya ay namamasa na iyon. Sobrang kirot at sakit! Pero isang malutong na sampal ang isinukli ng kaniyang ama sa kanya. "And who do you think you are, Cerestina? Anak lang kita." Galit rin na sambit ng matanda. "B-bitiwan mo 'ko, Dad. You can't do anything!" Pilit na nagpupumiglas si Cerestina. Hindi niya inaasahan na iwawasiwas siya ng ama dahilan para mapabalandra siya sa katawan ng malaking puno. Impit siyang napadaing ng maramdaman ang paggapang ng kirot sa kaniyang balakang at likod. Marahang lumapit sa kaniya ang ama. Tila ito isang demonyo kung makangisi. Pa-iskwat itong naupo sa tapat niya. "Babae ka lang at mahina, kung ayaw mong masaktan lalo ay makikinig ka sa akin. Huwag kang mag-alala, may malaking halaga namang kapalit ang pananahimik mo. Ayaw mo ba nun? Mas marami kang matutulungang bata?" Sinubukan pa nitong hawiin ang buhok niya subalit malakas niyang tinabig ang kamay nito. "H-hindi mo ako matatakot, hindi na kita kilala, Dad. Hindi ko alam kung anong demonyo ang sumanib sa utak mo para maging ganito kagahaman! Hindi ko kailangan ng pera galing sa masama ninyong gawain." Sa narinig ay dagling namula sa galit ang mukha ni Ponciano- ang ama ni Cerestina. Akma nitong sasampalin ulit ang anak pero isang malakas na kamay ang dagling pumigil sa braso niya. Maang siyang napatingin sa gilid niya, kunot-noo siyang tumayo at marahas na hinila pabalik ang kaniyang braso. "At sino kang lapastangan na nakikialam sa problema namin ng Anak ko, ha?" Galit na bulyaw nito sa lalaki. "A-aeron?" Takang tawag ni Tina sa lalaki. Malungkot na sinulyapan ni Aeron ang kawawang dalaga bago galit na muling tinitigan ang kaharap. "Wala kayong karapatang saktan ang kahit sino, kahit anak niyo pa siya." Mahina subalit puno ng determinasyong saad ni Aeron. Naiiling na natawa si Ponciano sa narinig. Marahan itong lumapit sa kaniya at nakipagtitigan. "Dapat ba akong matakot sa'yo at sumunod? Sino ka ba? Baka nakakalimutan mong wala ka ring karapatan na panghimasukan ang desisyon ko kung sino ka mang..." Sinuri siya nito mula ulo hanggang paa. "Wirdo ka." Igting ang panga at lihim na lumalangitngit ang mga ngipin ni Aeron. Pero sa halip na patulan pa ang matandang kaharap ay iniwan niya na lang ito at agad na dinaluhan si Tina upang itayo at aluhin. "Okey ka lang ba?" Marahan niyang tanong kay Tina habang pinapagpag ang damit nito. "Ayos lang ako, Aeron." "Hah! What a scenario. Siya ba ang pinagmamalaki mo kaya matigas ang loob mo, Tina? Isang wirdo at mukhang pulubing nilalang?" "Stop it, Dad. Wala siyang kinalaman sa mga desisyon ko, so let him out of this. At kumpara naman sa dumi ng puso at isip mo, mas malinis pa rin si Aeron kaysa sa inyo!" Galit na tumitig si Ponciano sa kanila. "We're not done yet, Cerestina. Consider this as your lucky day!" Malungkot na pinanuod ni Tina ang paglayo ng kaniyang ama. Ng tuluyan itong mawala sa kanilang paningin ay marahan siyang pinaupo ni Aeron sa gilid ng puno at isinandal sa katawan noon. "Sorry kung nadamay ka pa," Maya-maya'y saad ni Tina. "Wala yun. Nalulungkot lang ako at nagtataka. Bakit ka pumapayag na saktan ka niya ng ganoon?" Hindi mapigilang tanong ni Aeron. Nagsimulang mangilid ang luha sa mga mata ni Tina. "Wala akong magagawa, Aeron. Mas malakas pa rin si Dad sa akin dahil babae lang ako. Ang totoo, hindi ko alam kung paano niya nalaman ang pagbili ko sa lupang ito, kung paano niya ako nasusundan at nalalaman lahat ng kaganapan sa buhay ko. Gusto ko siyang takasan pero hindi ko magawa." Nagsimula na ring pumatak ang kaniyang mga luha. Bakas sa kaniyang tinig ang pait at lungkot. Hindi nakapagsalita si Aeron. Hindi niya sukat akalain na sa kabila ng matibay nitong personalidad ay may nakakubli rin pa lang takot at pangamba. Narinig pa nila ang papaalis na sasakyan, iyon na marahil ang ama ni Cerestina. "Halika," yakag ni Aeron sa dalaga saka walang pasabing binuhat niya ito sa kaniyang mga bisig. "T-teka, bakit ba bigla ka na lang kumikilos ng hindi nagsasabi?" Gulat na tanong ni Tina. "Pampatagal lang yun. Wala ka rin namang magagawa, e. Hindi ka naman makakalakad nang maayos, 'di ba?" Hindi kumibo si Cerestina. May punto naman si Aeron, nabigla lang talaga siya ng buhatin nito kaagad. Patungong bahay ang tinutungo nilang dalawa. Nagulat pa ang mga nagtatrabaho sa labas ng bahay kung bakit karga-karga siya ni Aeron. Ang ilan ay nag-usisa subalit hindi sila sinagot ni Tina. May nagsabi rin na umalis na nga raw ang Dad niya. Ilang sandali pa ay nakapasok na sila sa loob. Marahan siyang inilapag ni Aeron sa sofa. "Wow, ang ganda na rito, parang kagabi lang ako hindi nakapunta ang laki na agad ng pinagbago. Malinis at mukhang bahay na ulit." Manghang bulalas ni Aeron ng mapuna ang kabuoan ng bahay. "Maaga kasi akong nagpalinis kanina. Dumating rin kasi ang mga in-order kong kagamitan." Masayang pahayag ni Tina. "Gano'n ba. Salamat sa pag-aasikaso ng dati naming bahay." Sinserong sambit ni Aeron. "Ano ka ba, ituring mong sa'yo pa rin ito. Wala kang dapat ikahiya, okey? Hindi ko alam ang dahilan kung bakit hindi ka natagpuan ng gobyerno, dapat sana ay sayo pa rin ito nakapangalan hanggang ngayon. Pero wala akong karapatan na kuwestiyunin ka kaya kung gusto mo, dito ka na rin muna pumirmi hangga't wala ka pang matutuluyan. Nagpabili na ako ng isang papag para sayo. At oo nga pala, ang plano ko, ito na rin ang titirahan ko tapos magpapatayo na lang ako ng shelter diyan sa tapat para sa mga batang lansangan. Palalakihan ko na lang upang magkasya silang lahat." Mahabang paliwanag ni Tina sa kaniya. "Salamat ulit." "Wala yun. Teka, aray!" Angil ni Tina ng sa kaniyang paggalaw ay muling kumirot ang kaniyang balakang. Nabahala si Aeron sa nakita, mabilis siyang lumapit kay Tina. "Alin ang masakit?" Nag-aalalang tanong niya. "Yung balakang ko, kumikirot, e." Dagling hinawakan ni Aeron ang tinutukoy ni Tina at marahan iyong hinilot. "Ayos lang ba ang ganito?" "Oo, teka sandali. Tulungan mo akong dumapa." Marahan itong umikot at dumapa sa sofa. "Much comfortable!" Mahinang saad ni Tina ng maihilig ang katawan sa malambot na sofa. "Hilutin mo ako ulit, Aeron. Gaya ng kanina, please." Napakamot sa kaniyang ulo si Aeron pero sumunod din naman kaagad. Ng mga sandaling iyon, ang nais niya lang ay pagaanin ang nadarama ni Tina. Ang mapaginhawa ang sakit na nararamdaman nito ay kagaanan na rin sa kaniya kaya walang sawa niya itong minasahe. "Saan ka nga pala natulog kagabi?" Si Tina iyon. "Ah, diyan lang. Sa labas." "Hah? Saan sa labas? Hinanap kita kagabi pero wala ka naman. Iniisip ko nga baka sa taas ka ng puno natulog, e. Nag-alala ako, baka kasi mahulog ka doon." Nakaramdam ng kaunting hiya si Aeron sa narinig. Hindi niya naman inasahang hahanapin pa siya nito kahit madilim na. "Gano'n ba? Pasensiya ka na. Tama ka, sa itaas nga ako ng puno natulog. Nahihiya kasi akong makitabi sa higaan." "G-gano'n, ba? Sabagay, kahit naman siguro ako hindi magiging kumportable." Napatango si Aeron. Hindi na siya nagulat, kahit hindi niya alam ang tunay na rason kung bakit hindi siya kumportableng katabi ito ay inaasahan niya ng ganoon rin ang pakiramdam nito para sa kanya. "Pero huwag kang mag-alala, may higaan ka na. Hindi mo na kailangang mahiya." Nakangiting saad ni Tina habang nakapikit ito. "Ang gaan ng kamay mo, ang sarap magmasahe." "T-talaga? Mabuti naman at nare-relax ka." Kampanteng ihinilig ni Tina ang ulo sa sofa. Tila magaan na ang pakiramdam nito. Ilang sandali pa ay parang natutulog na rin ito. "Ang aga pa para makatulog ulit." Mahinang bulong ni Aeron sa sarili. Maingat niyang tinapos ang pagmamasahe sa malambot na balakang ni Tina saka ito iniwan. Nilibot niya ang buong bahay at hindi niya maiwasang mamangha. Tila nagkaroon na kasi iyon ng bagong buhay, maaliwalas at malinis na ang paligid. Naka-organized ang mga gamit na kahapon lang ay wala pa roon. "Ilang tao kaya ang kinuha niya para maglinis at mag-ayos dito?" May pagdududa sa isip ni Aeron. Parang ambilis naman kasing nalinis at napaliguan ang loob ng kanilang bahay. Siguro kung sampu o kinseng katao ang maglilinis doon ay talagang mapapabilis, pero imposible namang kumuha si Tina ng ganoon karaming trabahador. Napagpasyahan niyang sa likod-bahay muna dumeretso dahil hindi niya pa nakikita iyon simula ng marating niya ang lumang bahay nila. May daan naman sa kusina, dineretso niya lang iyon hanggang sa pintuan na ang kabila ay likod na ng kanilang bahay. Doon ay inabutan niya ang nagsisilbing bodega, maliit lamang iyon at halatang marupok na. Laylay na ang bubong noon at tila isang tadyak na lang ay bibigay na. Sa nakita ay napagpasyahan ni Aeron na huwag na munang tumuloy doon. Pumasok na lang siya ulit at tumuloy na sa kwarto. Nagulat pa siya ng makita ang family pictures nila na nakasabit na sa dingding. Kusang sumilay ang malungkot na ngiti sa kaniyang labi. Muli niyang tinapunan ng tingin si Tina na noo'y abot-tanaw niya lang mula sa kinaroroonan, gusto niya itong pasalamatan pero hindi niya alam kung papa'no, ayaw niya naman itong gisingin pa. Siguro ay mamaya na lang. Nilapitan niya ang litrato at marahan iyong hinaplos pagkatapos ay nagpasya na siyang lumabas ulit. Nagtungo naman siya sa kusina. Doon ay marami siyang nakitang puwedeng iluto. Ang bagay na iyon ang hindi nakalimutang ituro ni Higantatay sa kaniya habang lumalaki siya. Kailangan niyang magluto para sa sarili niya sapagkat hindi naman kumakain ng mga pagkain ng mortal si Higantatay. Ang totoo, kinukuha lamang nito ang aroma ng pagkain at nakakain na niya ang pagkain ng hindi namamalayan ng isang mortal. Buo pa rin kasi ang pagkain sa mga mata nila. Masayang nagluto ng ginisang gulay at isda si Aeron. Nais niyang sa pagmulat ng mata ni Tina ay nakahanda na ang mga pagkain at kakain na lang sila. Matapos sa pagluluto ng ulam ay nagsalang naman ng bigas si Aeron. Kahapon ay natutunan niya ang paggamit ng mga kakaibang kasangkapan na naroon. Tumatak naman iyon sa isip niya kaya hindi na siya nahihirapang gamitin ang mga iyon ngayon. "Ang bango naman." Si Tina iyon. Napapitlag pa si Aeron ng makita itong nakamasid mula sa kaniyang likuran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD