KABANATA 12: ANG SUMPA

1029 Words
"Bumili ka lahat ng kailangan mo." Malamig na utos ni Aerin saka iniabot ang ilang pirasong papel sa kaniya. Luminga pa ito sa paligid at tila pagod na isinandal ang likod sa katawan ng isang patay na puno. Naroon sila hindi kalayuan sa palengke kung saan maaari niya raw mabili ang lahat ng kailangan niya. Maang na napatitig doon si Aeron. Wala siyang ideya kung paano gamitin ang mga papel na iyon, ipapalit ba yun sa mga bibilihin niya? Kunot-noong tinitigan niya pa ng ilang minuto ang pera at kinilala ito pero gaya ng ibang bagay, hindi naman magawang magpaliwanag ng papel na iyon tungkol sa gamit niya. Gaya lang din ito ng ilang bagay na narito na walang kakayahang magsalita subalit mahalaga daw sa mundong ito.. Hindi iyon nakaligtas kay Aerin, inis siyang bumuntong-hininga at umirap. Maya-maya pa ay naglakad na ito pabalik sa palengke. "Bilisan mo!" Galit na angil nito. Nangiti ng lihim si Aeron. May kumislap na kung anong ideya sa kaniyang isip. Bakit nga ba hindi? Napakagandang ideya! Gagamitin niya ang pagiging inosente sa mundong ito upang mapalapit sa kapatid. Mukhang iyon din naman ang kahinaan nito, hindi nito kayang pabayaan siya sa gitna ng magulo at kumplikadong paligid dito. "Manuod ka, ito na ang huling beses na makakasama mo ako kaya pag-aralan mong mabuti ang lahat ng gagawin ko, naiintindihan mo?" Tila maamong tupa na agad napatango si Aeron. Mukhang mali ang kalkulasyon niya, hindi kaya nababasa ng kapatid niya kung ano ang nasa isip niya? Gayunpaman ay nagpasya siyang huwag na lang sayangin ang mga sandaling kasama niya pa ito doon. Mas dumikit siya sa kapatid at nakinig sa bawat pakikipag-usap nito sa ibang tao. Ngunit hindi niya inaasahan ang unang bubungaran nilang tindahan kung saan may ilang mga damit, short, at kung anu-ano pang nakasabit bilang paninda nito. Sa paningin kasi ni Aeron ay nagbabago ang hitsura ng mukha nito. Para iyong naggi-glitch at humahalo sa magandang mukha nito ang nakapangingilabot na mukha ng isang demonyo! Nguniy hindi gaya sa tunay na hitsura nila Higantatay, ang mga mata ng kaharap ay pula at nanlilisik. Biglang bumangon ang kakaibang damdamin para kay Aeron. Hinarangan niya ang kapatid sa pamamagitan ng pagdipa ng kanang braso sa kinatatayuan nito at pumalit sa puwestong kanina ay inuokupa niya. "Ah, miss pasensiya na pero hindi na kami bibili." Malamig na usal niya sa tindera. Nagtaka man ito ay ngumiti pa rin ito nang parang sa aso saka tumango. Hindi na nagsayang pa ng oras si Aeron, dali-dali niyang hinatak si Aerin palayo sa tindahang iyon. Walang imik na nagpatianod ang dalaga sa mahigpit na pagkakahawak ni Aeron sa kaniya. Napangisi siya at napailing, 'di yata at nakakakilala din ito ng mga tunay na tao sa demonyo gaya niya? Pero saan kaya nakalagay ang agimat na iyon? Nasa kwintas? Damit? Short? Tanging iyon lamang kasi ang nakikita niyang suot ng kapatid. Pero wala namang kakaiba sa mga iyon kanina, bagkus deretso lang na nakatitig si Aeron sa kaharap na tindera. Kailangan niyang makuha kung saan man iyon nakalagay upang hindi ito tuluyang humadlang sa mga plano niya! Kung mananatili itong inosente sa tunay na nangyayari sa paligid nila ay mananahimik lang rin ito at hindi siya pakikialaman. Ng mapalayo sa lugar ay kunot-noong tumingin si Aeron sa kaniyang kapatid. Wala pa ring ekspresyon ang mukha nito at nakamasid lang rin sa ginagawa niya. "N-nakita mo ba yun?" Panimula niya. Mabilis pa rin ang t***k ng puso niya. Hindi niya man aminin ay nakaramdam siya ng pangamba habang kaharap ang nilalang na iyon. "Ngayon ka lang rin ba nakakita ng gano'n? Mas marami pa sa paligid, halos karamihan sa tao ay ganoon. Hindi naman sila nang-aano kung hindi ka pahahalata na nakikita mo ang tunay nilang anyo." "Nakikilala mo rin sila?" Hindi naman kumibo si Aerin. Deretso lang itong nakatingin sa kaniya. Obvious naman ang kasagutang hinihingi nito pero tinatanong pa rin. "May paraan naman para hindi mo sila makita o makilala. Mas tahimik ang buhay at magiging payapa ka." Si Aeron naman ang takang lumingon sa kapatid. "Talaga? Paano?" "Hubarin mo ang pinaglagyan nila ng sumpa." "S-sumpa?" "Hindi ba't isang sumpa na makita mo kahit saan ang kademonyohan ng mundong ito? Hindi pa iyon ang malala na maaari mong masaksihan, may ilang makikita mo mismo kung paano sila kumatay ng mga inosenteng tao." Nakangising pahayag ni Aerin. Tila nanindig ang lahat ng balahibo sa katawan ni Aeron. Kumatay?! Pumapatay sila ng mga inosenteng tao! "Tama. Tama ang iniisip mo, kaya kung ako sa'yo, mamuhay ka na lang ng normal gaya ng iba. Gaya ng pangkaraniwang tao." "Gano'n din ba ang ginawa mo?" Nanunubok na tanong ni Aeron. Kung sasabihin nitong Oo, baka may tiyansa pang magbago ang isip niya sa tunay na layunin niya dito sa mundo. Kung handang mamuhay ng simple si Aerin kasama niya, baka puwede niyang baguhin ang sarili at bumawi na lang sa kapatid kaysa makipagdigmaan pa sa mga demonyo. Yun nga lang, mawawalan siya ng kakayahang proteksiyonan ang sarili laban sa mga mapanlinlang na nilalang. Kung sana ay magagawa niyang makilala ang mga ito, gaya kanina ay naiwasan na nila kaagad. Pero hindi nanaman umimik si Aerin. Nasa malayo ang tanaw nito. Doon tuluyang nagpasya si Aeron. "Aerin, kung gusto mong mamuhay tayo ng simple at payapa, gagawin ko. Babawi na lang ako sa'yo. Sabihin mo sa akin kung paano at tatanggalin ko ang kakayahan kong ito." Pakiramdam ni Aerin ay pumalakpak ang dalawa niyang tainga sa narinig. "May itatanong muna ako bago mo gawin ang nais ko." "Sige, ano.yun?" "Nakilala mo ba yung mga taong pumatay sa mga magulang natin?" Nagulat si Aeron sa tanong ng kapatid. Napakunot ang noo niya subalit pilit pa ring inaalala ang nasaksihan. Umiling siya. "H-hindi. Gaya mo sila noon, mahaba lang ang hood na suot nila. Hanggang paa kaya hindi ko sila mamukhaan." Pagsisinungaling ni Aeron. Dismayadong nagyuko ng ulo si Aerin. Wala pala siyang mapapala sa kapatid niya. Ang akala niya pa naman ay magiging daan na ito upang tapusin na ang misyon niya. Tumingin siyang muli sa kapatid at Nakangising umiling. Ilang sandali pa ay walang salita niyang tinalikuran ito at nagsimulang humakbang palayo...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD