KABANATA 11: KAPALIT

1028 Words
"Nagbalik ka." Nakangiting sambit ni Aeron. Hindi naman kumibo si Aerin sa halip ay paismid itong tumayo at sinuri siya mula ulo hanggang paa. "Saan ka ba nanggaling at parang hindi ka tinuruan kung paano mamuhay dito?" Nakataas ang isang kilay na tanong nito ulit sa kaniya. Pakiramdam ni Aeron ay nalulon niya ang sariling dila. Matatas magsalita si Aerin at mataray din. May punto naman ito, bakit nga ba kasi hindi niya nagawang alamin ang mga bagay na iyon? "A-ano, nakalimutan-" "Nakalimutan?" May kalakasang bulyaw nito sa kaniya saka umiling-iling. May kinuha ito sa bulsa at saka ihinagis sa kaniya. "A-ano to?" Tanong niya habang pinagmamasdan ang hawak na kulay brown at flat na kasangkapan. "Inumin yan, uminom ka." May kung anong hinahanap din si Aerin sa paligid. Halos maubos ni Aeron ang tubig sa labis na uhaw. Maya-maya pa ay may ihinagis nanaman si Aerin sa kaniya. Mga dahon iyon na may kasamang panali. "Gawin mong tsinelas pansamantala para hindi mainitan 'yang paa mo sa paglalakad." Dominanteng utos nito sa kaniya. "Ano yung t-tsinelas?" Hindi maiwasang mapakamot sa kaniyang ulo si Aerin, tila isang paslit na bata ang kasama niya! Itinaas niya ang paa at saka iginalaw-galaw iyon. "Kita mo yan? gayahin mo para hindi ka mainitan, malayo pa ang lalakbayin natin." "Natin? Sasamahan mo 'ko?" Hindi naman takot si Aeron pero para siyang nabuhayan ng loob pagkarinig sa tinuran ng kapatid. "Nakukonsensiya kasi ako, mukhang wala kang alam kung gaano kasama ang mundong kinabibilangan mo. Para kang paslit na walang kamuwang-muwang." Napayuko si Aeron sa narinig. Totoo iyon, pero pasasaan ba't matututunan niya rin naman ang mga iyon. "P-pasensiya ka na kung nakaabala pa ako sayo." Inirapan lamang siya nito at hindi na kumibo pa. Mataman lang itong nanunuod habang gumagawa siya ng sapin sa paa. "Okey na kaya 'to?" Tanong ni Aeron sa sarili. "Kailangan bago mabutas 'yan nasa bayan na tayo," ani Aerin saka nagpatiuna ng naglakad. Mabilis namang sumunod si Aeron sa kapatid pero kakaiba itong maglakad. Kinailangan niya pang lakihan ang mga hakbang niya para lang makasabay. "Pwede ba akong magtanong?" maya-maya'y 'di mapigilang usal ni Aeron. Pero hindi kumibo si Aerin. Gayunpaman ay nagpatuloy pa rin siya sa nais na itanong sa kapatid. Masyado kasi silang tahimik at hindi siya kumportable na gano'n silang dalawa. "Saan ka pala lumaki? Uhm, ang ibig kong sabihin, sino ang nag-alaga sa'yo?" Sa gulat niya ay huminto ito sa paghakbang at matalas ang paninging lumingon sa kaniya. "Hindi ibig sabihin na sinamahan kita, puwede mo na rin akong kilalanin, hindi tayo close at lalong wala kang paki-alam sa naging buhay ko. Kaya pwede ba, manahimik ka na lang diyan at bilisan mong maglakad." Malungkot na napayuko ng ulo si Aeron. Hindi niya alam kung ano ang dapat na maramdaman. Alam niyang kasalanan niya ang lahat dahil hindi niya man lang nagawang iligtas o kahit isama man lang ang kapatid kung saan siya nanatili. Siguro ngayon ay magkasundong-magkasundo silang dalawa. Gustuhin niya mang bumawi dito ay hindi niya alam kung paano magsisimula, tila wala itong plano na papasukin siya sa buhay nito o kahit katiting na dahilan lang para makilala ito. "Sorry," tanging nasambit niya na lang. May ilang oras din silang naglakad ng sa wakas ay narating na rin nila ang lugar na tinawag na bayan. Maraming tao at mga istrakturang may kung anu-anong tinitinda. Animo'y mga palamuting dekorasyon na may iba't-ibang hugis at kulay. Manghang pinasadahan ng tingin ni Aeron ang paligid, tila napakaganda naman pala ng mundong pinanggalingan niya. Hindi gaya sa mundo nila Higantatay na walang kulay at tila walang buhay.. "Dito tayo," yakag ni Aerin saka lumiko sa makipot na eskinita. Isang maliit na stall ang pinaghintuan nila kung saan may isang lalaki sa loob noon. Tahimik itong nakayuko at may kung anong binubutingting. Itinaas ni Aerin ang kamay sa tapat niya na tila may hinihingi, naunawaan naman agad ni Aeron kung ano iyon. Dagli niyang tinanggal sa kwintas ang isang nakalaylay na pendant at iniabot iyon sa kapatid. "Palitan mo," malamig na utos nito sa lalaking nasa loob. Nagtaas naman ito ng mukha at ngumiti kay Aerin bago tumingin sa gawi niya at sinuri siya. Hindi nakaligtas sa mga mata ni Aeron ang galit na bumalatay sa mga mata ng binatang kaharap ng magtama ang paningin nila. Nagulat man sa naging reaksyon ng lalaki ay hindi iyon masyadong inintindi ni Aeron. "Ikaw pala, Aerin. Sa kaniya ba ito?" Tanong ng lalaki habang tinitingnan ang kulay dilaw na bato. "Ang kapalit," nakabuka ang mga palad na usal ni Aerin. Deretso itong nakatingin sa lalaki. Nakakapagtakang nakilala nito ang kapatid niya sa kabila ng hood at mask na tumatabing sa mukha nito. Napakamot sa batok ang lalaki saka may kinuha sa ilalim ng maliit na lamesang kahoy. "Heto," anang lalaki saka ipinatong sa palad ni Aerin ang ilang pirasong papel. "Baka naman puwede mo akong ipakilala sa bago mong kasama?" Mahinang tanong ulit ng lalaki. Pero ilang sandali pa ay namula na ang mukha nito saka dali-daling nag-iwas ng mata sa kaniyang kapatid. "S-sabi ko nga bawal, e." Mahinang usal niya ulit. Iyon lang at tumalikod na rin si Aerin. Susunod na sana si Aeron ng bigla siyang pigilan ng lalaki. "Teka sandali, anong ginawa mo kay Aerin, ha? Kahit minsan hindi pa yan sumama sa ibang lalaki." Pabulong na tanong nito sa kaniya. "Hah? A-ano.." Pero mabilis itong nakalabas sa maliit na stall at kinwelyuhan siya. Gulat na napamaang si Aeron. "Teka, nagkakamali ka-" pero parang wala itong narinig. "Siguraduhin mo lang na aalagaan mo siya at iingatan! Kung ikaw talaga ang gusto niya, palalayain ko siya kahit pa masakit. Pero oras na may mangyaring hindi maganda sa kaniya, maghahalo ang balat sa tinalupan, tandaan mo yan!" Halos dikit na ang mukha nito sa mukha niya habang sinasabi ang mga katagang iyon. Doon lubos na naunawaan ni Aeron ang lalaki. Kaya imbis na magalit dito ay lihim pang natawa si Aeron. "Huwag kang mag-alala, aalagaan at iingatan ko si Aerin. Maaasahan mo yan." Sukat do'n ay binitiwan na siya ng lalaki pero bago ito tuluyang tumalikod sa kaniya ay nakita niya pa ang pagkislap ng luha sa mga mata nito..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD