KABANATA 13: KAALAMAN

1022 Words
"Teka, sandali." Dagling pigil ni Aeron sa kapatid. Pero parang hindi siya nito naririnig, dere-deretso itong naglakad palayo sa kaniya. Walang nagawa si Aeron kung hindi ang sundan ito at habulin. "Aerin, teka lang." Tawag niya pa rin. Ng sa wakas ay huminto ito. "Ano ba?!" Inis na tanong nito sa kanya. "M-may nasabi ba akong hindi mo nagustuhan? A-akala ko sasamahan mo ako mamili ng mga kailangan ko." Pero inismiran lang siya nito. "Matanda ka na, huwag kang magtanga-tangahan. Nasamahan na kita. Nagawa ko na rin ang part ko bilang kapatid mo! Ngayon gawin mo naman ang part mo, layuan mo na 'ko dahil hindi ko kailangan ng kahit sino. Sanay akong mag-isa at ayoko ng maingay at makulit," mariing sambit nito. Manghang napamaang si Aeron. Talagang tagos sa puso niya ang bawat salitang binibitawan ng kapatid. Pero hindi siya puwedeng magpumilit kung ayaw nito. Gayunpaman, hindi rin naman siya agad mapapasuko nito. "S-sige, pasensiya ka na. Pero kung kailanganin mo ang tulong ko, alam mo naman kung saan ako matatagpuan, 'di ba?" Hindi ito sumagot, sa halip ay inirapan lang siya nito bago humalo sa karamihan ng mga tao. Ilang sandali pa ay hindi niya na natatanaw ang bulto nito. Kahit walang ideya ay pilit na inaral ni Aeron ang paligid niya. Ang mga taong nakakasalubong niya. Doon niya tuluyang napagtanto ang mga kailangan niya para sa sarili. Nagawi din siya sa bilihan ng mga pagkain, binili niya lahat ng magustuhan niya. Marami siyang nakaharap na dalawa ang anyo pero natutunan niyang ikubli ang kaniyang kakayahan. Hangga't hindi siya sinasaktan ng mga ito, hindi siya magpapakita ng kahit anong senyales na magiging kalaban siya ano mang oras. "Sir, sakay?" Tanong ng isang lalaki habang nakasakay ito sa kaniyang de padyak na sasakyan. Para itong tricycle pero bike ang gamit upang paandarin. "Uhm," tiningnan ni Aeron ang mga bitbit niya, wala siyang ideya kung paano pero nagtiwala naman siya sa kaharap dahil iisa lang ang anyo nito. Mukhang safe naman siya dito. "Sige," aniya saka pumasok sa loob. "Saan po tayo, Sir?" Tanong ng lalaki habang sinisimulan ang pagpadyak. "Uh-" sandaling hindi nakaimik si Aeron. Saan nga ba? Hindi niya alam kahit ang lugar na kinatatayuan ng bahay nila! "Ituturo ko na lang ang daan, bago lang kasi ako dito, wala pa akong masyadong alam sa mga lugar." "Okey, Sir," anito saka binilisan ang pagpapatakbo ng munti nitong sasakyan. Matiyaga namang nakinig ang lalaki sa bawat direksiyong itinuturo niya. Mabuti na lang at hindi ganoon kahirap tandaan ang dinaanan nila ni Aerin kanina. Palibhasa wala siyang ibang mapaglibangan habang naglalakad kung hindi ang mga tanawin, ayaw din naman siyang kausapin ni Aerin kanina. Ilang sandali pa ay natanaw niya na ang kanilang bahay. Nagulat pa si Aeron dahil wala pa sila sa tapat ng bahay ay huminto na ang lalaki sa pagapaandar ng sasakyan. "Hanggang dito ko na lang po kayo maihahatid, Sir." Tila kabadong saad nito. "Pero malayo pa, may problema ba?" Takang tanong ni Aeron. Nag-iwas lang ng mata ang lalaki. "Kahit.. kahit huwag niyo na po akong bayaran, aalis na ho ako," anito saka nagmamadaling iniliko ang dala niyang sasakyan. Pero mabilis niyang hinawakan ang lalaki sa braso at pinigil. Pero nagulat siya sa naging reaksyon nito. Nahihintakutan nitong hinatak ang braso pabalik. "Ah, babayaran pa rin sana kita dahil may kalayuan itong lugar namin. Hindi ko alam kung bakit ka natatakot pero hindi naman ako masamang tao." Sa narinig ay sandaling kumalma ang lalaki. Pero nung muli nitong tapunan ng tingin ang kanilang bahay ay nanumbalik ulit ang takot sa mga mata nito. Doon tuluyang naunawaan ni Aeron ang dahilan kung bakit nagmamadaling lumayo ang lalaki sa lugar nilang iyon. "Diyan na ako nakatira, at hindi naman nakakatakot," mahinang usal niya. Kabadong bumaling ng tingin sa kaniya ang lalaki. "Pero mag-iingat pa rin ho kayo, sabi ng lolo ko, sinusunog daw ang kung sino mang titira o magagawi diyan." Kinain ng kuryusidad si Aeron. "A-anong sabi mo?" Seryosong tanong niya. "Mag-iingat na lang ho kayo," anito saka tumalikod na ulit. "Teka, sandali." Tawag niya sa lalaki. Pero hindi na ito huminto kaya napilitan siyang habulin ito. "Please, sabihin mo sa'kin kung ano ang sinabi ng lolo mo." Kahit nag-aalangan ay napilitan itong huminto at deretsong tumingin sa kaniya. "Ayoko hong madamay sa kamalasan ng bahay at lugar na ito, Sir. Kaya sana hayaan niyo na akong makaalis." "Wala akong intensiyong masama, kailangan ko lang ng tulong mo. Kailangan kong malaman kung bakit nasabi ng lolo mo ang bagay na iyon. Please." Nagpakawala nang malalim na buntong-hininga ang lalaki saka malungkot na nagyuko ng ulo. "Hindi ko alam kung totoo pero nasaksihan ko ang paulit-ulit na panununog ng mga taong iyon sa bahay na iyan pati sa paligid niyan pero ilang araw lang ay maayos na ulit ang bahay. Parang may kung anong pumuprotekta sa bahay pati na rin sa paligid upang hindi tuluyang masunog." Napanganga si Aeron sa narinig. Para iyong hindi makatotohanan. Pero ano pa nga ba ang totoo sa mundong ito? Maging ang kinalakihan niya naman ay hindi rin kapani-paniwala sa mga taong narito. "Mga tao? Nakilala mo ba?" Umiling ng sunod-sunod ang lalaki. "Hindi ko sila makilala dahil may mga tabing ang katawan nila at mukha. Mga itim na kasuotan, may kapa sila. Napansin ko na tuwing ikatlong buwan at bilog ang buwan ay bumabalik sila diyan para paulit-ulit na gawin ang ganoong bagay." "Alam mo ba kung bakit nila ginagawa yun?" "Hindi.. pero ang alam ko, nakakatakot sila. Wala ng tumira diyan simula ng mamatay ang buong pamilya ng huling tumira. Sinunog din sila lahat. Lagpas isang dekada na ang nakararaan." Naiiling na paliwanag nito. Napabuga ng hangin si Aeron, malamang na pamilya nila ang tinutukoy nito. "Salamat sa mga impormasyon." Seryosong saad niya sa lalaki saka iniabot ang natitirang pera sa kamay niya. Nakangiti iyong tinanggap ng lalaki pero ibinalik ang ilang piraso sa kaniya. "Masyado hong malaki ang binigay niyo. Ito lang ay sapat na." Itinaas pa nito ang hawak na papel. "Ah-Oo nga pala, kailan kaya sila ulit babalik?" Mataman siyang tiningnan ng lalaki. "Sa susunod na buwan, ikatlong linggo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD