KABANATA 16: PANAUHIN

1013 Words
Ugong ng mga paparating na sasakyan ang gumising sa nahihimbing pang diwa ni Aeron. Napabalikwas siya ng bangon at agad na tinungo ang bintana. Doon ay natanaw niya ang isang kulay pula at saradong sasakyan. Patungo ito sa kinaroroonan ng bahay nila! Nagtataka man ay patuloy lang na nagmasid si Aeron, kunot-noo niyang hinintay kung sino ang tila walang takot na nilalang na mangangahas pumunta sa kanilang lugar gayong halos karamihan ng mga tao sa paligid ay takot na pumunta doon. Laking gulat niya pa ng isang babae ang lumabas mula sa loob ng sasakyan. Nagpalinga-linga ito sa paligid na animo'y may hinahanap. Maya-maya pa ay tila inis nitong isinandal ang katawan sa sasakyan at ipinikit ang mga mata. Hindi maiwasang mamangha ni Aeron sa nakikita. Tuwid na tuwid ang buhok nito at may maliit na mukha. Tila natural ang pagkaka-pink ng maninipis na labi nito. At bagama't naka-dress ay mababakas pa rin doon ang makurbang balakang ng babae at ang saktong laki ng kaniyang hinaharap. Ipinilig ni Aeron ang ulo sa huling parte ng katawan na iyon ng babae, kung bakit doon nagawi ng kaniyang mga mata, wala siyang ideya. Walang ingay na nakamasid lang si Aeron sa magandang dalaga. Hindi niya alam kung bakit ayaw niyang alisin ang mga mata dito. Siguro dahil wala rin siyang balak na harapin ito, ang pagmasdan ito mula sa malayo ay sapat na para sa kaniya. Natatakot siyang bumuo ng kumunikasyon dahil na rin sa hindi niya alam ang tunay na pakay nito sa pagpunta sa kanilang lupain. Ng muling maglakad ang babae ay sinabayan naman iyon ni Aeron sa loob, lahat ng posibleng lugar na maaari niyang matanaw ang pigura ng babae ay sinundan niya. Nakita niya ang pagmamasid nito sa kanilang bahay, napatago pa siya ng minsang magawi ang mata ng dalaga sa pinagkukublihan niya. Ng maramdamang ligtas na ulit ay muli niyang hinanap ang babae, kitang-kita niya sa mga mata nito ang pagkamangha sa mga halamang umuusbong doon. Maingat nitong hinaplos ang mga dahon at bulaklak, ilang sandali pa ay naglakad itong muli patungo sa pinakamalaking puno, o ang portal na dinadaanan ng mga nilalang patungo sa Spiritual World. Kinabahan ng bahagya si Aeron, sumagi sa isip niya na labasin ang babae pero sa huli ay nagpasya pa rin siyang hayaan na lamang ito. Hindi naman siguro ito basta makakapasok sa daanan na iyon. Ng muli niya itong sulyapan ay napanganga siya, nakadipa ang babae at tila niyayakap ang malaking puno! Kakaibang t***k ng puso ang bumangon sa dibdib ni Aeron. Hindi niya namalayan ang matamis na ngiting sumilay sa kanyang labi. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganito kasarap na pakiramdam, parang huminto ang oras sandali at naging slow motion ang paningin niya sa babaeng kanina pa sinusubaybayan. May ilang minuto din ang itinagal ng babae habang yakap ang malaking katawan ng puno, nakahilig pa ang kabilang pisngi nito doon at tila pilit na dinadama ang magaspang na balat ng matandang puno. Tila lalong nakuntento si Aeron sa pinapanuod, kung totoong mapagmahal ito sa kalikasan, ibig sabihin ay mabuti rin itong tao. Hanggang sa bumalik ito sa sasakyan ay naroon pa rin si Aeron at nakikiramdam lang. Gusto niya sanang pigilan ang babae sa pag-alis ng umandar ang sasakyan pero mas nangibabaw kay Aeron ang nais at dapat niyang gawin, ang umiwas sa kahit sino at gawin lang ang tunay na dahilan kung bakit siya narito. Kusang bumagsak ang balikat ni Aeron ng makita ang tuluyang paglayo ng sinasakyan ng babae. Magkikita pa kaya sila ulit? Babalik pa kaya ito doon? Hiling ng puso niya ay ang muling pagtagpuin ang kanilang mga landas. Pero sana mangyari yun kapag tapos na ang lahat ng dapat niyang gawin. Sa pagkakataong iyon, hindi na siguro siya magdadalawang isip na makipag-usap sa magandang babae at magpakilala.. Naisipan niyang lumabas at makipag-usap kay Higantatay. Pero wala ito doon, o sadyang ikinubli lang ang kaniyang sarili kasama ng makakapal na dahon sa punong pinag-ii-stay-an nito kagabi. "Tay, nariyan ka ba? Magpakita ka sa'kin." May kalakasang tawag niya sa nilalang. "Kanina pa kita pinagmamasdan, Anak." Napaigtad si Aeron sa malaking boses nito. Sabi na nga ba't nagtatago lamang ito sa kaniya! "Tay naman, ba't ka nagtatago sa akin?" "Gano'n talaga kapag umaga na, hindi mo ako makikita pero maririnig mo naman ako nang maayos. Ano bang problema? Yung magandang babae ba ang dahilan kung bakit malungkot ang mukha mo?" Napayuko si Aeron, ayaw niya man sabihin ang totoo pero mukhang buking na rin siya nito. "Magkikita pa kaya kami, Tay?" Sandaling hindi kumibo si Higantatay. Pakiramdam ni Aeron ay hindi rin talaga alam ng nilalang ang kasagutan sa tanong niya. "Sana pagkatapos ng lahat, magkita kami ulit." Mahinang sambit ni Aeron. "Maging handa ka na lang sa mga posibilidad, Aeron. Hindi natin masasabi ang maaaring mangyari sa mga susunod na araw." Makahulugang tugon nito sa kaniya. Palagi nitong ibinibilin sa kaniya iyon at sinisiguro niya naman na hindi iyon nawawala sa isip niya. Tama rin naman iyon at hindi siya umaasa na lahat ng plano o desisyong gagawin niya ay aayon sa nais niya. Kailangan niya lang maging handa sa lahat ng oras. Sandali pa siyang nanatili sa ilalim ng puno bago nagpasyang pumasok na ulit sa loob ng bahay at kumain ng almusal. Aayusin niya na rin ang lahat ng pinamili niya kahapon. Matuling lumipas ang tatlong araw, nagpokus si Aeron sa kaniyang pagpapalakas ng katawan at isipan, gayundin ang kaniyang kakaibang kakayahan na ipinagkaloob ni Amias. Sa loob ng ilang araw ay mas madalas siyang mag-meditate at makipag-ugnayan sa kalikasan. Sa ganitong paraan lumakas ang kaniyang isip at espiritu. Pero kakaiba ang bagong umaga na iyon. May ilang malalaking sasakyan ang huminto sa tapat ng kanilang bahay. May mga kargamento ang mga ito na doon din ibinagsak. Napuno ng pagtataka ang isip ni Aeron, kung ano man ang binabalak ng mga ito, sinisiguro niyang hindi sila magtagumpay! Ngunit mas nangunot lamang ang noo niya ng matanaw ang kasunod ng malalaking truck, isang pamilyar na sasakyan.. Ito ang sasakyan ng babaeng ilang araw ng gumugulo sa kaniyang isipan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD