Napasinghap ako nang kumalat ang lamig na naramdaman ko dahil sa tubig na biglang binuhos sa akin. Tinitigan ko nang masama ang may gawa niyon na naglalakad palayo. P'wede naman nila ako gisingin nang maayos. "Hoy!" sigaw ko na mukhang hindi narinig. "Hoy! Damulag! Hoy!" tawag ko sa kaniya. Iyon ang malaking lalaki na tinatawag nilang biggie. Lumingon siya sa akin at kamot ulo na naglakad pabalik. Halos manliit ako sa laki niyang tao pero hindi ako p'wede panghinaan ng loob. "Anong kailangan niyo sa akin ha! Akala ko ba ay papatayin niyo ako?! Bakit dito niyo ako dinala?! Anong lugar 'to?! Kilala niyo ba si Blade ha! Ha-huntingin kayo no'n! Kaya pakawalan niyo ako! Ano! Bakit hindi ka sumagot! Natatakot ka ha—" "Hindi alam Biggie." Sunod-sunod ang iling niya at mukhang natatarant

