"f**k you." Napalingon kaming lahat nang marinig ang sinabi ni Biggie. Kaharap nito si Drew na halos lumuwa na ang ngalangala sa kakatawa. Nasa dalampasigan sila at naglalaro ng sand castle. Tinupad ko ang pangako ko kay Biggie na dadalhin siya sa magandang lugar oras na makatakas ako. Kahit halos umusok na ang ilong ni Blade sa pagtutol ay napapayag ko pa rin siya dahil niligtas ni Biggie ang buhay niya. "Hoy! Drew! Ano bang tinuturo mo diyan kay Biggie ha!" Hindi nila ako pinansin at napailing na lamang. Si Blade ay nasa loob ng cottage at ang kasama kong nagi-ihaw ay si Hate at Tris na busy sa kakanood. "You're spilling the water, Katana." Napalingon ako kay Hate at nagmamadaling pinunasan ang tubig na nasa lamesa. Dumako ang mata ko sa cottage at sinilip bahagya si Blade na

