Pabalik-balik sa akin at sa nagkakapeng si Blade ang mata ni Drew habang sabay-sabay kaming naga-agahan. Hindi na ako nakatiis kaya ibinagsak ko ang kamay ko sa mesa na ikinagulat ng lahat. "Leandrew Santaines! Ikaw ba ay kailangan kong samahan sa doktor?" Tumuwid ang upo nito at nagtataka akong tinitigan. "Bakit? May sakit ba ako?" "Mukha ka kasing nagkukumbulsyon dahil sa mata mong galaw nang galaw," nakataas ang kilay na sabi ko. Ngumisi ito at nang-aasar na nakatingin. "Uyy! Awkward 'yan?" "Gusto mong isubsob kita diyan sa kinakain mo?" banta ko. "Bakit sa kinakain ko kung p'wede naman sa labi ni Tris?" Sumulyap pa siya sa kaibigan ko at kumindat. Namula ang pisngi ni Tris at inirapan siya. "Baka gusto mong lumabas ng bahay bitbit 'yang pinggan mo." "Pinggan lang? Isama

