Iris POV "Segi, tatawagin natin ang Nanay mo sa kwarto. . . namin." rinig sabi ni Mr. Andrado at narinig ko ang pagdiwang na hiyaw ng bata. Namin?! Anong kwarto namin ang sinabi niya? "Sama ako, Tatay." napangiti ako sa cute na boses ni Isagani. Inayos ko ang sarili ko nang marinig ko ang yapak nila papalabas ng kwarto ng bata. Umatras ako sa pinto at hinintay kong buksan nila ang pinto. "Hi!" bati ko nang bumukas ang pinto at niluwa no'n ang mag-ama. Buhat buhat ni Mr. Andrado ang kaniyang anak na lumawak ang ngiti nang makita ako. "Nanay!" hiyaw nito at inabot ang kamay niya sa akin, gustong buhatin ko siya. Tinignan ko muna si Mr. Andrado bago ako lumapit sa kanila at kuhanin sa bisig niya ang anak niya. Nang makarga ko ang bata ay niyakap niya ang braso niya sa leeg ko at binaon

