Iris POV Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko upang pigilan ang sarili kong magsalita. Nakatingin ako sa labas ng kotse at pinanood ang bawat madadaanan namin. Hanggang sa makapasok kami sa isang village. Puro naglalakihan ang mga bahay dito at may mga malalaking mansion din. Kahit gabi ay hindi naitago ng dilim kung gaano kagara ang village. Nanirahan din naman ako sa magandang bahay noon pero hindi ko maiwasang humanga sa nakikitang mga bahay na nadadaanan namin. Maya maya pa ay nakarating kami sa dulong parte at kusang bumukas ang malaki at mataas na gate at agad namang pumasok ang sinasakyan naming kotse sa loob. Malayo pa ang binaybay naming daan bago ko tuluyang makita ang pinakamalaking mansion sa lugar na 'to. Hindi ko napigilan ang pag-awang ng labi ko habang nakatingin doon.

