Chapter 90 : Deja Vu

2011 Words

Iris POV Nagising ako ng maaga na para bang hinahalukay ang tiyan ko. Ang banyo agad ang nakasama ko sa paggising ko at nilabas ko lahat ng nakain ko kagabi. Halos manghina ako dahil talagang hindi natigil ang pagsusuka ko hangga't hindi nauubos ang laman ng katawan ko. Nanghina ako kaya naman bumaba na ako para maghanap ng pagkain. Nagpapasalamat ako na kahit maaga pa ay indi na kami nagpang-abot ni Mr. Andrado sa kusina, nakaluto na rin agad ng pagkain kaya kumain na lang ang ginawa ko. "Ang gana niyo pong kumain ngayon, ma'am, ah. . ." nasisiyahang sabi ni Manang nang makita akong kumain. Hindi ko na rin kahit kailan itinama pa ang pagtawag nila sa akin ng ma'am dahil kahit paulit ulit ko silang sabihan na Iris na lang ang itawag sa akin ay hindi naman nila ginagawa. "Masarap kumain

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD