Iris POV Nagising ako na nasa isa akong kwarto at kahit na hindi ko naman ilibot ang tingin ko sa paligid at alam ko na kaagad kung nasa kaninong kwarto ako dahil sa pamilyar na amoy. At sa hindi ko mapaliwanag na dahilan, nasusuka ako. "Sa wakas," napatingin ako sa nagsalita at si Mr. Andrado 'yon na nakaupo sa sofa at mukang pinapanood ako sa pagtulog. Napadaing ako nang bumangon ay naramdaman ko ang sakit ng sugat sa siko ko. "Mahiga ka muna." sabi nito. "Anong oras na?" mahinang boses na tanong ko imbes na sundin ang sinabi niya. Umupo ako sa kama, "at bakit nandito ako?" "Sabi ko mahiga ka muna at magpahinga." "Sagutin mo na lang ang tanong ko." sabi ko at hindi pinansin ang sinabi niya. Bumuntong hininga siya, natatalo. "Alas syete na ng umaga." sagot niya sa nauna kong tano

