Iris POV "What?" Gulat. Puno ng pagtataka. Gulong gulo. Iyan ang itsura ngayon ni Mr. Andrado, gano'n din ang mga kapatid niya. "May anak ka?" tanong nito. . . natitigilan. Hindi ko siya pinansin at hinarap si Dom na hanggang ngayon ay sapo sapo ang kilay niyang basag, dumudugo. Nakangiwi rin siya at mukang nasasaktan. "Umuwi ka na," sabi ko sa lalaki na agad tumango, walang salitaan siyang naglakad patungo sa kotse niya at pinaharurot 'yon paalis. Nang makita na wala na ang kotse niya ay hinarap ko ang magkakapatid na nakatulala pa rin ngayon sa akin. Pinahid ko ang basa kong muka at bumuntong hininga. Matapang na tinignan ko si Mr. Andrado. "Oo, may anak ako." sabi ko. Matapos kong sabihin 'yon ay walang salitaan ko silang tinalikuran at pumasok ako sa loob. Nakita ako na sumunod

