Iris POV Bumaba na ako taxi na sinakyan ko dahil masyado ng malaki ang babayaran ko kung sakali. Naglakad lakad na lang ako sa paghahanap ng bakery shop na may murang cake at habang naglalakad ay namimitas din ako ng mga ligaw pero magagandang bulaklak. May nakita akong gumamela at mga bugambilya sa daan kaya pumitas ako. Hindi ko kasi kayang bumili ng mahal na bulaklak. Agad naman akong nakahanap ng bakery na may mura na cake, bumili ako ng maliit lang na cake. "Miss, ano pong ilalagay ko sa cake?" tanong sa akin ng babae. "Happy 7th birthday, Angelo," mapait na napangiti ako. "Ang ganda naman po ng pangalan ng anak niyo, ma'am, anghel na anghel." papuri ng babae at sinimulan niyang isulat ang pangalan ng anak ko sa ibabaw ng cake. "Anghel na kasi talaga siya, binabantayan na la

