Iris POV "Alam mong hindi ka pwedeng mag-donate ng dugo, Iris." matigas ang boses na sabi sa akin ni Doc. Seb. Seryoso ang boses niya at mariin ang titig niya sa akin na parang handa siyang gawin lahat para lang pigilan ako. Hindi ko siya pinansin at naglakad pa rin papunta sa kwarto kung saan iche-check up muna ako bago kuhanan ng dugo. "Iris! Mag-ingat ka naman sa paglalakad!" rinig kong sabi pa niya. Nakasunod lang siya sa akin. Hindi ko siya pinagtuunan ng pansin. Sabi ng doctor, kailangan kaagad ni Isagani ng dugo! Tulala lang ako sa buong proseso habang ginagamot si Isagani. Gano'n din si Mr. Andrado, nasa magkabilang dulo kami ng upuan, parehong balisa at hindi mapakali. Wala kaming oras para magbangayan at sisihin ang isa't isa dahil sa sobrang pag-aalala. Kumalma na ako na

