Iris POV Maaga akong nagising keysa sa lalaki. Aalis na sana ako sa kwarto niya ay hindi ko napigilan ang sarili ko na pagmasdan muna ang muka niya. Mabait sa iba pero sa akin hindi. . . Tatlong taon na ang nakalipas nang may nagawa akong kasalanan sa kaniya, siguro naman napagbayaran ko na iyon dahil simula no'n ay naghirap na ako sa buhay ko, hanggang ngayon, parang langit nga ang nagparusa sa akin eh. Nadamay pa ang pamilyang kinalakihan ko. Humingi na rin ako ng tawad sa kaniya. Paulit ulit. Pero hindi sapat ang pahumanhin ko. May gano'ng tao pala? Ang hirap kung magpatawad. Grabe ang galit. Sobrang apektado siguro ang buhay niya dahil sa nagawa ko. Kaya sobrang sama sama nito sa akin. And take note, sa akin lang dahil napapansin ko na maayos at mabait naman siyang tao. Nangiti

